House Of Death (136)
HOUSE OF DEATH - Gilda Olividado (Pang-masa) - January 1, 2017 - 12:00am

NAIYAK na lang si Anna. “Gusto ko lang naman noong makatulong, naawa ako kaya hindi ako nakatanggi.”

“Nandidito ka nakakulong, siya, kumikita ng malaking pera. Gamit ang pamamahay namin at puro siya kasinungalingan.”

“Benilda, bago mo ubusin ang enerhiya mo kay Azon, tulungan mo muna ako. Paano ba ako makalaya dito? Natutuliro na si Mario at mga anak ko. Alam mo namang wala akong kasalanan. Pero higit sa lahat, napakasama ng multo na kaanak mo. Pumapatay. Kampon din siya ni Satanas. Tulad ng mga maiitim na kaluluwa sa inyong mansiyon.”

Natigilan si Benilda. “Isa lang akong multo, Anna. Hindi masama pero hindi rin naman lubos na mabuti. Hindi ako isang anghel o isang santo. Na dahil sa kanilang kabaitan, kayang lumaban sa mga masasamang puwersa.”

“Hindi mo ako matutulungan?”

“Magdasal ka sa Diyos, minsan na Siyang kumilos para sa inyo, hindi ba? Uulitin Niya ‘yon.”

“Bakit kaya ... hindi Niya mapangatawanan ang pagtulong sa amin? Marami pa ring namamatay.”

“Nagtatampo ka na rin sa Diyos natin?”

“Konti lang naman. Kasi nga, hindi pa lubos ang tulong Niya, e. Nangyayari pa rin ang kasamaan. Na bumibiktima, pumapatay. At ako, posibleng makulong na talaga.”

“Para ka rin naman palang ako, e. Mabuti ako pero nang napuno ng galit, nagparusa ng mga bata. Mabuti akong multo na gumawa ng masama. Huwag mo na lang akong gayahin! Maging tulad ka ng asawa mong si Mario na kahit anong hampas ng kapalaran, nananatiling nakakapit sa tama at matuwid.”

Luhaan si Anna, tumingin sa paligid. Na puno ng mga babaing preso na kung hindi galit ay mahahalay naman ang tingin.

Sa kulungan na napakabaho, napakarumi. Ang pagkain na dinadala sa kanya ng pamilya ay kinukuha, kinakain ng iba.

Hindi siya makareklamo dahil sampal ang aabutin niya.

Napahagulhol si Anna. “Kung minsan naman kasi, sobra-sobra na ang pagsubok. Hindi madaling kayanin.”

“Totoo ‘yan. Pero kayanin mo. Tiisin mo. Mahina tayo, oo. Madaling talunin ng mga masasama. Pero kahit napakarami ng mga humihingi ng tulong sa Diyos ... kahit hindi puwedeng sabay-sabay Niyang maharap ... maniwala ka pa rin na hindi ka Niya pababayaan. Tiyak na may kakasangkapanin ang Diyos para lumaban sa malupit na multo ng antigong wheelchair.”

Itutuloy

 

HOUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with