_pang-masa
^

Para Malibang

Pusa sa supermarket na ‘nakatira’

MGA LAMAS SA KINABUHI - Pang-masa

Naging instant internet sensation ang isang pusa na noong una ay itinuring na ‘peste’ sa isang supermarket sa Amerika.

Ilang beses na kasi pinaalis ang pusang ito ng staff ng supermarket pero laking gulat nila nang kinabukasan ay nasa loob na muli ito ng grocery tila bahay na talaga ang tingin niya sa nasabing lugar.

Nag-aalala raw ang ang mga staff na baka ireklamo ang supermarket nila dahil hindi nga naman pwede ang hayop lalo na kung may tindang pagkain ang pasilidad. Pero nang kumalat daw ito sa social media ay agad sumikat na ang naturang pusa at binibisita pa kung minsan ng kanyang mga “taga­hanga”.

Ang nakamamangha pa ay ni isang beses ay hindi raw kumuha ng pagkain o nanira ng mga paninda ang pusa.

Sa huli ay tila ang mismong mga tauhan na ng supermarket ang sumuko sa pusa. Napagod na raw sila sa katataboy at kaliligaw sa pusa dahil maya’t maya raw o kinabukasan ay nasa loob na muli ito.

Ayon sa tagapagsalita ng supermarket, hindi pa rin daw nila pinapahintulutan ang pusa at gagawin daw nila ang kanilang makakaya para mailagay ito sa kanyang tamang tirahan nang hindi nasasaktan.

SUPERMARKET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with