Hello baby, goodbye sex
MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ (Pang-masa) - November 22, 2016 - 12:00am

Base sa mga research, maraming mga couples ang bumababa ang sex life kapag nagka-baby na, ayon sa theconversation.com, isang site kung saan pinag-uusapan ang iba’t ibang issues sa mundo.

Ayon sa napakaraming pag-aaral, ang mga couples na nagkaanak ay bumababa ang marital satisfaction kumpara sa non-parents.

Para sa mga babae, nahihirapan sila sa kanilang dalawang role na maging isang ina at maging isang partner at kung higit sa isa ang anak, kailangan din niyang hatiin ang kanyang affection para sa mga anak.

Maraming couples ang sabik na magkaroon ng anak at kapag lumabas na ang baby, walang katumbas na kaligayahan ang kanilang nararamdaman.

Ngunit kapag sila ay mga magulang na, nagkakaroon ng mga pagbabago. Dahil ang atensiyon ay nasa anak, malaki ang posibilidad na mapabayaan ang kanilang relasyong mag-asawa.

Base sa mga pag-aaral, natuklasan din na mas mabilis bumaba ang relationship satisfaction ng mga couples na may baby kaysa sa mga couples na walang anak.

Kapag wala sa plano ang pag-aanak, mas ma­la­kas ang negative impact nito sa mga couples. 

Pero, nakapagtatakang kahit bumababa ang marital satisfaction, bumababa rin ang tsansang magkahiwalay sila.

Kaya kahit nagiging miserable ang mga couples sa pagkakaroon ng baby, magkasama naman  silang miserable ang buhay.

 

SEX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with