_pang-masa
^

Aso ni Paris Hilton patay na

HAYUP SA GALING (Pang-masa) - November 16, 2016 - 12:00am

Pumanaw na ang sikat na aso ng socialite na si Paris Hilton. Inanunsyo niya ito sa kanyang social media account kahapon at ipinahayag ang kanyang damdamin.

Ang kanyang aso ay isang chichuachua na pinangalanan niyang Tinkerbell. Mahigit sa 15 years ang pinagsamahan nila ni Tinkerbell na kasa-kasama pa ni Paris saan man siya magpunta. Matatandaang sa tuwing may malaking event sa Hollywood ay hindi lang basta bag o purse ang bitbit ni Paris dahil nakasanayan na rin niyang gawing ‘abubot’ si Tinkerbell.

Marami na ring na­pagdaanan ang asong si Tinkerbell dahil taong 2004 nang mawala ito ng mahigit sa isang linggo at nabalik lang pagkatapos maglaan si Paris ng $5,000 o P245,000 na reward. Nakaligtas din si Tinkerbell sa planong pangingidnap ng parehas na taon.

PARIS HILTON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with