Dry Cough
PITO-PITO - Non Alquitran (Pang-masa) - June 11, 2016 - 12:00am

1. Maglaga ng 1 kutsaritang dried oregano o dalawang kutsarang fresh oregano leaves sa isang tasang tubig. Pakuluan ng limang minuto at palamigin ng sampung minuto. Salain ang dahon at inumin ang pinaglagaan.

2. Magpakulo ng isang kutsarang green tea leaves sa isang tasang tubig. Hinaan ang apoy at iwan ng limang minuto. Tanggalin sa apoy at palamigin ng sampung minuto. Salain at lagyan ng raw honey bago inumin.

3. Ihalo sa blender ang kalahating tasang pasas, 1/3 cup ng asukal at isang kutsarang tubig para maging paste. Ibuhos ito sa sauce pan hanggang parang maging sauce ang lapot nito. Palamigin ng ilang minuto. Kumain ng da­lawang kutsara tuwing bago matulog hanggang mawala ang dry cough.

4. Maghalo ng isang kutsarang sea salt sa isang mug ng mainit na tubig. Imumog ito ng dalawa hanggang tatlong minuto. Huwag iinumin.

5. Maghiwa ng isang buong sibuyas. I-blender ito para maging juice. Haluan ng isang kutsa­rang raw honey at iwan ng 4 hanggang 5 oras. Uminon ng isang kutsarita dalawang beses sa isang araw. Maganda rin ito sa sore throat.

6. Maghalo ng isang kutsaritang honey sa isang baso ng mainit na gatas. Inumin ito bago matulog.

7. Maghalo ng isang kutsarang turmeric powder sa isang kutsaritang honey. Inumin ito apat na beses sa isang araw hanggang gumaling ang dry cough.

INDEPENDENCE DAY CELEBRATION NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE RIZAL PARK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with