Sapatos ng mga Bagets

Julie Cabatit-Alegre (Pang-masa) - June 6, 2016 - 12:00am

Kung kailan lang pasukan o hanggang  hindi pa umaangal ang anak na  hindi na komportable sa isinusuot na sapatos saka lang naaalarma si nanay na bumili ng bagong sapatos ng bata. Kaya mahalaga na i-check kapag may time ang isinusuot na sapatos ng bata kung masikip na ba sa paa nito  o sira na ang kanilang ginagamit na sapatos.

Ilang tips kung bibili ng sapatos ng anak ay sa hapon o sa gabi. Dahil lumalaki ang mga paa ng isang tao pagkatapos ng maghapon. Kapag hindi type ng anak ang pagsa-shopping ng sapatos, maghanap agad ng store na espesyalista sa mga children’s footwear, tanungin ang staff  ng store na mag-assist  para ma-address agad ang kailangang size ng hindi mapakaling bata.

Kapag nakakita ng mga cute at trendy shoes na kung gagamitin lang naman ng isang beses o sa special na okasyon, huwag gumastos nang todo o lampas sa budget. Dahil mabilis lang itong kakalakihan ng bata. Siguraduhing nakatayo ang bata habang sinusukat ang sapatos. Kailangan din parehong sukat ng paa ang tingnan dahil talagang mas malaki ang  isang paa natin. Huwag kumuha ng masyadong malaking  pares ng sapatos.  Sapat na may allowance sa parehong dulo ng paa sa hinlalato hanggang sa sakong. Para makapagpahinga rin ang mga paa ng anak.

CALTEX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with