_pang-masa
^

Kahalagahan ng Siyesta sa Sex Life

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ (Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

May mga feng shui rituals na puwedeng gawin para matuwa ang mga ka-sex  na makatutulong sa ating sensuality at sa ating sex life.

Napag-usapan na natin ang yoga, Ylang-Ylang, at paggamit ng  mga oil, lotion, kandila na may natural scent at paglalagay ng salamin sa bedroom. Talakayin naman natin ngayon ang tungkol pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog. 

Base sa isang pag-aaral ng National Sleep Foundation sa United States, ang isang dahilan ng pagkakaroon ng problema ng mag-asawa ay kapaguran at kakulangan sa pahinga.

Nawawalan ng interes sa sex kapag pagod ang isang tao at imbes na ilaan ang time sa sex ay mas pinipili na itong ilaan sa tulog para makapagpahinga.

Alam n’yo bang sa Chapter 4 ng Kama Sutra, isang sinaunang aklat ng pag-ibig mula sa Indiya, sinasabing importanteng magkaroon ng siyesta o pagtulog sa hapon sa listahan ng kailangang gawin ng lalaki para sa pakikipagniig sa babae.

Puwedeng hindi ito magagawa ng iba lalo na kung may trabaho pero kung may panahong puwedeng gawin ito ay gawin.

Kahit sa ating kalusugan ay importanteng kumpleto tayo lagi sa tulog.

ALAM INDIYA KAHIT KAMA SUTRA NAPAG NATIONAL SLEEP FOUNDATION NAWAWALAN NBSP PUWEDENG TALAKAYIN UNITED STATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with