^

Nagpapaligaw pa sa iba

IDAING MO KAY VANEZZA (Pang-masa) - January 26, 2016 - 9:00am

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang CJ. Problema ko ang gf ko. Sabi niya mahal niya ako. Mahal na mahal ko rin siya at tapat ako sa kanya. Pero noong nagpalit ako ng sim card para testingin kung totoong mahal niya ako, hindi pala. Kasi tinanong ko siya kung may bf na siya pero hindi ako nagpakilala. Ang sagot niya, wala. Tinanong ko kung sure siya, sabi niya sure na sure raw na loveless siya. Bakit po kaya ganun ang sagot ng gf ko? Ano po ang gagawin ko?

Dear CJ,

Tila may balak pang magpaligaw ang gf mo. Kung ganito ang kanyang attitude ay hindi mo pala siya puwedeng pagtiwalaan. Bagama’t malaya pa rin siyang makapag-entertain ng ibang guy para mas mapag-aralan niya ang kanyang damdamin, pero kung talagang mahal ka niya ay hindi siya magpapanggap na walang bf. Bigyan mo pa rin siya ng benefit of the doubt. Pakiramdaman mo rin dahil baka lingid sa’yo ay talaga palang nagpapaligaw pa siya sa iba.

Sumasaiyo,

Vanessa

AKO ANG ANO BAGAMA BAKIT BIGYAN DEAR VANEZZA KASI NIYA SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with