^

Para Malibang

8 Katangian ng Mister... na ang pagmamahal ay pang-Forever

ABH - Pang-masa

1— Hindi niya ugaling ibunton sa kanyang misis ang init ng kanyang ulo. Basta’t malungkot lang siya kapag wala sa mood. Napakaimportante sa kanya ang maganda ninyong relasyon kaya hindi siya gagawa ng anumang bagay na ikakasira nito.

2— Hindi niya tinatakasan ang inyong problema.

3— Lagi niyang ipinapadama sa iyo o tahasang sinasabi kung gaano ka kaganda—inside and out. Ito ang pinakamasarap na parte sa buhay ng isang babae…’yung pakiramdam na gandang-ganda sa iyo ang iyong labs, kahit alam mo sa iyong sarili na nagpi-feeling maganda ka lang.

4— Ang problema mo ay inaangkin niyang problema rin niya. At siya ang nagsisikap na masolusyunan ito.

5— Tinatawanan niya ang iyong kapalpakan. Mabilis niyang napapatawad ang pagkakamaling ginawa mo sa kanya.

6— Ngunit siniseryoso niya kapag siya naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyo.

7— Sa galaw pa lang ng iyong mga mata, nauunawaan na niya ang ibig mong sabihin.

8— Hindi niya ugaling manisi dahil ang kanyang pang-unawa ay kasinglawak ng pagmamahal niya sa iyo.

ACIRC

ANG

HINDI

ITO

IYO

LAGI

MABILIS

NAPAKAIMPORTANTE

NGUNIT

NIYA

TINATAWANAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with