Magpakipot muna kapag inaalok ng pagkain sa Bolivia
(Pang-masa) - December 8, 2015 - 9:00am

Naku sa mga kaibigan n’yong late dumating kapag may handaan, puwedeng-puwede sila sa bansang Bolivia. Parang may tinatawag din kasi silang “Filipino time” kung saan late ng kung hindi tatlumpung minuto ay umaabot pa ng isang oras. Ganyan ang karamihan sa ating mga Pinoy.

Pero balik tayo sa Bolivia. Kung naanyayahan sa isang dinner sa bansang ito, hindi kinakailangang on time duma­ting. Mas ok pa kung darating ng 20-30 minutes late.

Karaniwang mga bisita ang ­unang pinagsisilbihan sa hapag. Pero mas magandang asal kung medyo “magpapakipot” pa. Tumanggi muna sa unang alok, at saka lamang kumuha kapag pinilit na ng may-ari ng bahay.

Ang pagkain naman na nakataas ang siko sa hapag ay isang uri ng kabastusan. Sa pagkain, la­ging gumamit ng kubyertos. Maging sa pagkain ng prutas ay kailangang gumamit ng tinidor o kutsara.

Bago naman uminom, hintayin munang magyaya ng toast. Dapat ay nakatingin din sa taong unang nag-alok ng toast.

Pormal nga sila sa hapag ngunit hindi sila istrikto sa oras ng iyong pagdating. Ma­ging pagkatapos ng kainan ay inaasahang makiki­pagkuwentuhan muna ang bisita ng mga tatlumpung minuto bago umalis ng bahay. Kumbaga hindi mag-i-“eat and run”.

ACIRC ANG DAPAT GANYAN KARANIWANG KUMBAGA KUNG PERO PINOY PORMAL TUMANGGI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with