Hot and Cheesy chicken ng KFC palung-palo ang lasa!
(Pang-masa) - November 29, 2015 - 9:00am

May bago na naman pala sa menu ng KFC!

Isang buwan na rin yata ang newest “creation” nilang Hot and Cheesy chicken. Hindi ito ‘yung tipong hilig nilang pag-eksperimentuhan tulad ng nakaraaang Chizza na narebyu na rin natin.

Simple lang ang Hot and Cheesy chicken. Li­teral na fried chicken na may cheese sauce. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa fried chicken, lalo na ang cheese? Kaya heaven na heaven at siguradong magiging comfort food na ito ng mga mahilig sa chicken at cheese.

Hindi na lugi sa isang order nito dahil hindi plain rice ang kasama at may side dish and drinks na rin.

Ang crispy chicken ay maanghang pero sakto ang lasa nito sa hindi kaalatang cheese sauce. Parang kalasa ng Pringles na cheese flavor ang sauce ng hot and cheesy chicken. Nagku-compliment talaga ang lasa ng sauce sa fried chicken. May side dish na mashed potatoes with corn din itong kasama na talagang nakakabusog. Ang rice naman ang isa rin sa nagbabalanse ng anghang at alat ng chicken dahil sa butter flavor nito. Very visible ang herbs sa rice kaya alam mong hindi ito tinipid sa spices. Harmonious, wika nga ang kombinasyon ng maanghang na crispy fried chicken, cheese sauce, at butter-flavored rice. Palung-palo talaga ang lasa!

Isa pa, swak na swak sa budget ito dahil may kasama na rin regular size drink ang P120 na order ng Hot and Cheesy chicken. Siguradong isa ito sa babalik-balikan ng mga loyalista ng KFC. Burp na burrrrrrrrrp!

Para sa mga katanungan at suhestiyon maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com.

ACIRC ANG CHEESE CHICKEN CHIZZA HINDI HOT AND CHEESY ISA ISANG KAYA NAGKU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with