Angas ng bae
(Pang-masa) - November 14, 2015 - 9:00am

Mayroon naman. Siyempre bilang bansang kabilang sa APEC, marami tayong nakukuhang tulong kung paano mas mapapaunlad ang ating ekonomiya. Marahil kung hindi tayo kabilang sa samahang ito ay mas naghihirap pa ang bansang Pilipinas. - LARRY,  Aklan

Perwisyo lang ang dulot niyan. Kita mo nga, maraming isasarang kalsada para lang sa mga APEC leaders. Eh hindi man lang inisip ng gobyerno ang mga commuter na kailangan pa rin pumasok sa mga opisina. Kumusta naman? Dusa na nga araw-araw sa trapik lalo na sa EDSA tapos idadagdap pa ‘to. Ano ‘to lokohan?! - NICO, Quezon City

Sa totoo lang hindi ko alam ang APEC at kung ano ang ginagawa sa APEC Summit eh. Pero sabi nila, para raw sa ikagaganda ng ekonomiya natin ‘yan. Eh kung ganu’n naman pala, go go go! Sana masolusyonan ang problema natin sa transportasyon. Para sa ekonomiya ng bansa. Pak! - RICK, Cavite

Isa sa mga mga na­ging malaking apektado sa mga isanasagawang APEC Summit ang larangan ng edukasyon. Sa aming obserbasyon, kada-taon ay tumataas ang matrikula sa mga paaralan dulot ng sinasabing mo­dernasasyon na halos hindi naman nararamdaman. Ang ­aking punto lang ay kung hindi naman nila nagagawa nang mabuti at naisasakatuparan ang mga guidelines ay mas mabuti pang tumiwalag na lang sa APEC. Marami tayong nasasayang na pondo para lang magpabango pero wala naman tayong nakukuhang maganda. - RICO, Pasig

Meron naman. Kita n’yo lumilinis ang mga kalsada. Itinatago nila ang mga dumi at kalat ng ating bansa. Maayos din ang trapiko. Tingnan naman natin ang bright side ng nagagawa ng APEC Summit sa atin. Pero sana hindi lang ito pakitang-tao. Sana maging regular na ganito ang gawain ng ating gobyerno. - TRISTAN, Tagaytay

ACIRC AKLAN ANG APEC KITA LANG MGA NAMAN PERO QUEZON CITY SANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with