4 bagay na makakasira ng wealth luck

SINUSUWERTE KA! - Fortuna (Pang-masa) - October 5, 2015 - 10:00am

May mga bagay na nagiging hadlang upang makamtan ang magaang pagdaloy ng pera sa inyong buhay. Narito ang mga sumusunod:

1-Ang mirror ay nakaharap sa main door. Hindi makapasok ang energy dahil sa reflection ng mirror. Ang isang kahalintulad nito ay ang TV set na nakaharap sa main door. May reflection ang TV screen kapag naka-off ito.

2-Nakikita ang lutuan mula sa main door. Simbolo ng kayamanan ang lutuan. Kapag nakikita ito mula sa main door, ang epekto ay hindi makaipon ng pera ang mga nakatira rito. Ipuwesto ang lutuan sa lugar na hindi ito masusulyapan mula sa salas at main entrance.

3-Ang gripong nasa garden ay nakatapat sa main door. Ang tubig ay simbolo ng kayamanan. Ang epekto ay paglabas ng pera o walang katapusang gastusan.

4-Nakatapat ang hagdan sa main door. Kagipitan sa pera ang resulta ng ganitong sitwasyon. Ang pansamantalang Feng Shui cure dito ay paglalagay ng red door mat sa tapat ng pintuan upang mabawasan ang negativity. Pansamantala lang dahil kailangan pa rin na ibaling sa ibang direction ang hagdanan.

ANG DOOR FENG SHUI IPUWESTO KAGIPITAN KAPAG MAIN NAKATAPAT NAKIKITA NARITO STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with