Kung gusto mong bolahin si Kuya...
(Pang-masa) - August 8, 2015 - 10:00am

Kung ang mga babae ay may nais na marinig na komplimento mula sa mga lalaki, gayundin naman ang lahi ni Adan, may mga nais din silang marinig mula sa mga Eva ng kanilang buhay. Narito ang ilang komplimento na gustung-gusto marinig  ng mga kalalakihan:

“Walang ibang nakapagpapangiti sa akin kundi ikaw” – Karaniwan na sa mga lalaki ang pagiging mabiro at isa ito sa kanilang mga “tools” kung paano nila napapag-aralan ang isang babae na nais nila. Kaya sa oras na marinig nila ang komplimentong ito mula sa isang babae, tiyak na tumataas ang kanilang “ego” at nadadagdagan ang kumpiyansa sa sarili.

“Magaling kang magpayo”  –  Hindi lang ang mga babae ang nais na sinasabihan nito, gusto rin ng mga lalaki na marinig ang komplimentong ito sa kanila, lalo na kung ang payong kanilang ibinibigay ay patungkol sa pag-ibig. Ibig sabihin kasi nito, magaling din silang mangingibig.

“Ang macho mo” – Halos mabaliw sa katuwaan ang isang lalaki kapag sinasabihan sila nito ng isang babae. Isa kasi itong paraan sa pagsusukat ng pagkalalaki nila. Lalo na kung idadagdag pa na sabihin sa kanila na “Ang ganda ng braso mo”. Nagbibigay ito lalo sa kanya ng inspirasyon para mas pagbutihan ang kanyang pag-eehersisyo sa gym .

“Seksi ka sa iyong pantalon” – Gustung-gusto marinig ng mga lalaki kung gaano sila kaseksi sa paningin ng mga babae. Lalo na kung sasabihin ito sa inyong “private moment”.

“Secured ako kapag kasama kita” – Kahit gaano ka kakumpiyansa sa iyong sarili, mas mabuti pa rin na kahit minsan ay sasabihin mo sa lalaki kung gaano ka ka-secured kapag kasama mo siya.

ACIRC ADAN ALIGN ANG BABAE EVA GUSTUNG KUNG MGA QUOT STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with