May stretch marks ka ba? (4)
(Pang-masa) - November 25, 2014 - 12:00am

Mga gabay upang maiwasan ang stretch marks sa pagbubuntis:

1. Pag-inom ng tubig

Kailangan ng katawan na manatiling sapat ang dami ng katawan. Sa panahon ng pagbubuntis ang dami ng dugo sa katawan ay tumataas at kailangan ng tubig upang mapanatiling malusog ang babay sa loob ng sinapupunan. Ang katawan ng nagdadalang taong ina ay nangangailangan ng sapat na dami ng tubig. Kabilang sa nangangailangan ng tubig ay ang balat upang mapanatili ang elasticity nito. Renerekumindang uminom ng 8-12 baso ng tubig kada araw. Kapag tuyo ang labi at lalamunan ay senyales ito ng dehydration. Maaari ring senyales ang pagkapagal, sakit ng ulo at pagiging wala sa konsintrasyon.

2. Coconut Oil

Gumamit ng coconut oil lotion sa pagbubuntis upang ipahid sa parte ng balakang at tiyan para mapanatili ang moist at maiwasan ang pagka-dry nito. Ang langis ng niyog ay may kakayahang magbigay ng sustansiya sa balat na kailangan nito. Mayaman sa saturated fatty acids ang la­ ngis ng niyog na kailangan upang mapanatili ang malusog na balat. Ang uri ng  fatty acid na ito ay hindi madaling ma-oxidized at dahil dito ay hindi ito magdudulot ng pinsala katulad ng free radical. Ang polyunsaturated fatty acids ay madaling ma- oxidized na maaaring magdulot ng free radical na puwedeng makapinsala sa balat.

COCONUT OIL GUMAMIT KABILANG KAILANGAN KAPAG MAAARI MAYAMAN PAG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with