_pang-masa
^

Para Malibang

Mumunting depensa ng katawan

BODY PAX - Pang-masa

Karaniwan sa atin ay hindi alam ang tungkulin ng tonsil sa ating katawan. Isang maliit na laman sa ating lalamunan na hanggang doon na lamang ang nalalaman ng natin ukol sa tonsil. Ano nga ba ang halaga nito sa ating katwan? Ang tonsil ay kimpal ng tissue sa ating lalamunan na lumalaban sa anumang impeksyon. Sinsala nito ang hangin na dumadaan sa lalamunan na may dalang germs o virus na maaaring maging sanhi ng impeksyon. Ito rin ay naglalabas ng antibodies na panlaban natin sa anumang sakit. Ngunit kapag ang tonsil ay nasobrahan sa sinalang mga bacteria ito ay maaaring magkaroon ng maimpeksyon na tinatawag tonsillitis.

Sanhi at Sintomas ng Tonsillitis

Ang Bacterial at viral infections ang sanhi ng tonsillitis. Karaniwang sanhi ng ng tonsillitis ay ang bacteriang Streptococcus(strep).

 Ang iba pang mga sanhi ay katulad ng:

Adenoviruses

Influenza virus

Epstein-Barr virus

Parainfluenza viruses

Enteroviruses

Herpes simplex virus

Ang pinaka sintomas ng tonsillitis ay pamamaga  at paglaki ng  ton­sils, kapag lumalala pa ang impeksiyon ay maaring makaharang sa daluyan ng hangin.

Ang iba pang sintomas ay katulad ng:

Pagkirot ng lalamunan.

Pamumula ng tonsils

Puti at dilaw na nakapatong sa tonsils.

Makirot na paltos ulcers sa lalamunan.

Pagkapaos o kawalan ng boses.

Pananakit ng ulo.

( Itutuloy)

ANG BACTERIAL ANO EPSTEIN-BARR ISANG ITUTULOY KARANIWAN KARANIWANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with