Julia at karelasyon, sa iisang bahay na nga ba nakatira?!

Totoo kayang nagli-live in na sina Julia Barretto at karelasyon nitong galing sa pamilya ng mga bilyonaryo na si Lucas Lorenzo?
CEO of Restaurant Concepts Group, Inc. si Lucas bagama’t hindi pa kinukumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon pero pinag-uusapan na diumano’y nagsasama na sila sa isang bubong.
Kaya madalas nga raw silang nakikitang magkasama sa mga private gathering kasama ang pamilya nila.
Si Lucas Lorenzo ay kapatid nina Basti Lorenzo (na asawa ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto) at Mateo Lorenzo (na asawa ng aktres na si Erich Gonzales).
Kaya rin pala very comfortable na si Julia kay Joshua Garcia na girlfriend naman ng French-Filipina golfer na si Emilienne Vigier.
- Latest























