^

Pang Movies

Arci, nagpagalaw na naman ng mukha?

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Arci, nagpagalaw na naman ng mukha?
Arci Muñoz.
STAR/ File

Awss parang may naiba na naman daw sa face ni Arci Muñoz.

Sa kanyang mga latest post sa Instagram ay may parang may pagbabago ulit.

Wala namang panghuhusga, marami lang nakapansin na mas Koreana ang kanyang peg, ala-Jennie ng Blackpink.

Kung sabagay, sinabi na ni Arci sa dating interview na unbothered siya sa mga komento sa kanyang paiba-ibang hitsura.

Minsan na siyang sumagot sa matagal nang usap-usapan tungkol sa umano’y pabagu-bagong hitsura ng kanyang mukha.

Aniya that time: “Hindi ako kailanman naapektuhan. Hindi ako naaapektuhan. Wala akong pakialam. Alam ng lahat na ganyan na ang ugali ko noon pa,” words to that effect na sabi niya noon sa screening ng pelikulang Sweet Escape na full-length film entry niya para sa Sinag Maynila 2026.

Sinabi pa ng aktres na dahil bukas na ang publiko sa ideya ng plastic surgery, wala rin siyang pakialam kung positibo o negatibo ang mga komento tungkol sa kanyang paiba-ibang hitsura.

“Sa ngayon, na-open na ang lahat sa ganyan, pwedeng sabihin na ako ang OG (original). Tapos na ako sa ganun,” sabi pa niya sa mga kausap na writer.

Inulit niya pa na hindi siya kahit kailanman naapektuhan pagda­ting sa mga bagay na ganun.

Ginagawa lang daw niya ang kanyang gusto: “Basta masaya ako, wala talaga akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao,” pagpapatuloy niya.

Well, matagal nang open ang actress tungkol sa kanyang journey sa plastic surgery simula noong 2017.

Inamin pa nga niya kay Kuya Boy Abunda ang kanyang pagsisisi sa pagpapagawa sa kanyang mukha sa Fast Talk with Boy Abunda noong 2025.

Sinabi niyang gusto niya kasing laging i-reinvent ang sarili.

At ang payo niya, kailangan talagang pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay. Huwag daw tutularan na talagang matigas ang ulo.

Ang bottomline, kung saan ka masaya gawin mo.

Sabagay pera naman niya ang ginagamit niya, kung hindi ex-deal, sa ginagawa niyang pagpapaayos kaya may karapatan siyang mang-dedma sa mga sinasabi ng ibang tao.

Kim, nagpa-throwback nga ba?

Ahh totoo kayang file photos ang latest post ni Kim Chiu?

Yup, sa abroad daw kuha ang mga nasabing photos kung saan ang isa sa nasabing mga snap ay naka-leather jacket si Kim.

Caption nga ni Kim sa nasabing photos: “Steady….

“Life may not always go as planned, but there will always be something to be grateful for, something to look forward to, and another reason to keep going.

“And today, I’m choosing to celebrate another little victory!

“HOUSE OF LITTLE BUNNY PH IS HOPPING BACK TO MINDANAO!!!?” buong caption nito.

Kasalukuyang naka-vacation leave si Kim sa It’s Showtime bilang host.

Ang haka-haka baka talagang na-burnout lang talaga si Kim sa work kaya siya namamahinga. Ang tagal na rin  niyang super work.

Bulung-bulungan din na namamahinga si Kim dahil nagdadalang-tao nga raw ito.                                                                                   

Sa isang post para sa kanyang endorsement sa fast food chain ay parang maumbok daw talaga ang pisngi nito. ‘Yun daw ang latest na hitsura ni Kimmy.

Well, hintayin natin ang official statement ni Kim at ‘wag pangunahan kahit pa sinasabi nilang may umbok nga ang kanyang tiyan.

Rave at Lance, magpapakilig!

May bagong mabilisang kilig na aabangan sa iWant, handog ang kauna-unahang boys’ love vertical drama serye nitong Coach Me Maybe tampok ang dating Pinoy Big Brother Collab 2.0 housemate Rave Victoria at bagong heartthrob na si Lance Jeremy.

Sesentro ang vertical serye sa queer love na nagsimula sa tunggalian ng judo champion na si Alpha (Lance) at academic achiever na si Romeo (Rave). Para pagselosin ang kanyang ex, kukuntsabahin ni Alpha si Romeo na magpanggap na sila’y nasa isang relasyon, pero mauwi kaya sa totohanan ang kanilang pagpapanggap?

Tampok din sa BL serye sina Christian Vazquez at Valerie Concepcion, kasama sina Kanata Tapia, Rhianna Santiago, Iñigo Jose, Josh Worsley at Ian Lubrica.

Ito ay sa direksyon ni Theodore Boborol, na direktor din ng hit reality-queer dating series na Sparks Camp na ngayo’y palabas ang ikaapat nitong season sa iWant.

Abangan ang BL vertical serye na Coach Me Maybe exclusively sa iWant.

Bago ang premiere nito, palabas pa rin ang ilan sa mga bagong vertical serye nitong Half Sisters at A Cake to Remember na mapapanood sa pamamagitan ng iWant subscription plans sa halagang P35 kada buwan sa Pilipinas, USD 12.99 kada buwan sa United States, at USD 4.99 sa iba pang bahagi ng mundo.

Katseye Sophia, magbabalik na sa 2027!

Ahh sa January 2027 ay babalik na sa KATSEYE si Sophia Laforteza.

Ito ang kinumpirma ng HYBE x Geffen Records sa group activities ng KATSEYE sa unang linggo ng Enero 2027.

Priority pa rin daw ni Sophia ang kanyang health and well-being.

Kaya hindi pa rin daw ito makakasama sa The Wildworld Tour sa North America at ilang promotional activities ng grupo ngayong papatapos na ang taon 2026.

“We are happy to share that Sophia will resume group activities with KATSEYE beginning the first week of January 2027,” ayon sa pahayag ng HYBE x Geffen Records.

Kasunod nito ay nag-post na rin si Sophia ng isang message sa kanyang Instagram Stories:

“Before anything else, I want to thank you for giving me your patience, grace, and understan­ding. Your kindness during this time has given me more strength than you know. It hasn’t been easy, but I have been putting in the work by receiving the care I need, learning the tools to better support myself, and doing everything I can to nurture my well-being,” pahayag niya.

“I’ve learned so much about myself and what is truly best for my mind and body. Learning to care for myself, and continuing to do that work every day, is something I want to carry with me as I grow both as a person and as an artist. I’ve rea­lized how much easier it can be to give to the people around you than it is to give to yourself. I’m learning that I can receive from myself, too,” aniya.

Last week lang ay dumalo siya sa Paris Fashion Week.

ARCI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with