^

Pang Movies

Dalawang sikat na aktres, nag-iwasan sa trabaho!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

BINALAK palang pagsamahin sa isang TVproject ang dalawang sikat at magaling na aktres.

Siyempre marami ang na-excite dahil first time itong mangyayari sa career ng dalawa.

Una muna itong na-pitch in kay Aktres A. Maga­ling si aktres A at walang dudang makakatulong ito sa kanyang career.

Pero nang sabihin ang project kay Aktres B na choosy na sa ginagawang project, ang naging tugon lang niya, “‘Di ba, end contract na siya?”

Naku, mukhang ayaw ni aktres B na makasama si aktres A, huh!

Boss Vic, mahusay umiwas

MAGALING kumilatis ng tanong si Boss Vic del Rosario. Kaya naman nganga sa gustong sagot ang media na nagtanong sa kanya sa status ngayon ng prized artist ng Viva na si Sarah Geronimo.

Nakita ng media si Boss Vic nang gawaran ng parangal ng Film Development Council of the Philippines kamakailan.

Basta ang sagot ng Viva boss, babalik na sa trabaho si Sarah next year. Pero sa tanong kung buntis si Sarah, hindi raw siya ang tamang tao na magkukumpirma kung buntis si Sarah!

Tama naman si Boss Vic. Basta ang napansin sa kanya ng media, bumabata and looking fresh ang Viva boss!

Masarap mag-alaga ang partner ni Boss Vic, huh!

AKTRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with