^

Pang Movies

Liza, nagkaroon na raw ng pag-asa sa Hollywood!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Liza, nagkaroon na raw ng pag-asa sa Hollywood!
Liza

Showing sa bansa ngayong araw ang pelikulang Forgotten Island, isang American fantasy adventure animated movie na rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Kuwento ito ng dalawang matalik na magkaibigan na naiwan sa Nakali, isang mahiwagang mundo na binubura ang mga alaala ng mga nakatira rito. Tampok dito ang mga boses nina H.E.R., Liza Soberano, Manny Jacinto, Dolly de Leon, Jo Koy at Lea Salonga.

Ayon sa MTRCB, ito ay may positibong tema ng pagkakaibigan at isinasabuhay ang mitolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng “vibrant animation,” habang ipinapakita ang aspeto ng pang-araw-araw na buhay, kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

Pero kailangan ng patnubay ng magulang para sa mild fantasy violence at ilang nakakatakot na eksena nito ayon sa rating ng MTRCB.

Anyway, maganda ang feedback kay Liza sa ginawa nilang promo sa pelikulang ito. Pinupuri ng X (formerly Twitter) users ang kanyang masiglang hitsura – mula sa buhok hanggang sa maayos na paghawak sa props – at ang kanyang magaling na sagot sa mga panayam na may kaugnayan sa kulturang Pilipino.

Kaya naman, mas nagkakaroon daw ng pag-asa si Liza na magka-career sa Hollywood.

At sa pagbubukas sa bansa ng Forgotten Island, inaabangan kung tatangkilikin ito ng ating mga kababayan.

Kinaawaan!

May ilang nakakadalaw na diumano sa sister ni Kim Chiu na si Lakambini sa Kamuning Police Station – Quezon City Police District (QCPD) pagkatapos nitong arestuhin noong isang gabi.

Pero naiiyak daw ang isang narinig kong nakita si Lakambini.

Awang-awa raw ito dahil hindi niya naisip na darating ang oras na bibisitahin niya sa selda si Lakambini na nakilala niya sa ABS-CBN noong nagkaka-career na si Kim.

Habang sinusulat namin ito ay sinabi ng kanyang abogado na ‘pinagbigyan’ ng korte ang kanilang mosyon na babaan ang piyansang P5.8 million at pinayagan ang akusado na maglagak ng cash bond, sa humigit-kumulang P2.9 milyon.

Samantala, nagti-trending si Kim kahapon.

Pero ang kanyang natanggap na recognition sa South Korea ang topic.

Dahil sa nangyari sa magkapatid, may ilang nagpa-forum, ano raw pipiliin ng iba, pera o pamilya?

Ahh. May kanya-kanyang sagot siyempre.

LIZA SOBERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with