Male starlet na demanding noon, hindi na kilala ng bagong henerasyon
Chinika ng isang source na nagpupursige ngayon ang isang male starlet na makakuha ng guest appearances sa iba’t ibang programa.
Hindi raw siya kuntento sa kasalukuyang exposure at nami-miss niyang makita sa telebisyon. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na raw siya priority na i-book ng mga show. “Naku, matuto muna siyang magpakumbaba. Hindi na uubra ang kayabangan dahil wala na siyang dating.
“Noon ay napagbibigyan pa ang pagiging demanding niya, pero ngayon hindi na dahil pareho na siyang matanda at hindi na sikat. Hindi na rin siya kilala ng bagong henerasyon,” sabi ng source.
Inaasahan daw ng male starlet na siya ang lalapitan para mag-guest, pero siya na pala ngayon ang gumagawa ng paraan para magkaroon ng trabaho. “Sa totoo lang, hindi naman siya kailangan. Wala siyang espesyal na talento. Wala nang interesado. Mas mainam pa siguro kung mag-TikTok na lang siya para maging busy siya,” biro pa ng source.
Miss U Thailand, super idol si Catriona!
Si Miss Universe 2018 Catriona Gray pala ang naging inspirasyon ng newly crowned Miss Universe Thailand 2026 na si Tharina Botes.
Sa final question and answer round ng Miss Universe Thailand, tinanong ang 29-year-old Thai-South African beauty kung sino sa mga past Miss Universe titleholder ang masasabing naging inspirasyon niya sa pagiging isang pageant veteran? Mabilis niyang sagot ay si Catriona Gray. “Oh my gosh, my favorite Miss Universe would have to be Catriona Gray from the Philippines.
“For me, she is the ultimate package. She won here in Thailand with her slow-mo lava walk. The way she turns and the way she speaks, she’s so articulate and passionate. She’s my inspiration and I hope to be like her.
“She really taught me that when you work hard and have determination and believe in ourselves, we can achieve everything we set our minds into.
“And even though she didn’t place at Miss World, she showed us that rejection is just redirection, and she came back to win Miss Universe.”
Proud din si Botes na kabilang si Catriona sa mga follower niya sa Instagram. “She followed me on Instagram the other day, I am so happy. Mahal kita, Catriona Gray, and the Philippines,” kilig na pinaalam ni Botes.
Simon, pahinga muna sa AGT
Hindi muna lalahok sa ilang linggong live shows ng America’s Got Talent (AGT) Season 21 si Simon Cowell matapos sumailalim sa isang routine na operasyon sa likod.
Sinabi ng 66-anyos na judge at executive producer na uunahin muna niya ang kanyang kalusugan, kaya guest judges muna ang tatayo sa kanyang puwesto.
Matatandaang noong 2020 ay naaksidente si Cowell sa e-bike na nagresulta sa pagkabali ng kanyang likod at braso.
Sumailalim siya noon sa anim na oras na operasyon at nilagyan ng metal rod sa kanyang likod.
Nagpadala ng “get well” wishes at prayers ang AGT host na si Terry Crews at co-judges ni Cowell na sina Howie Mandel, Mel B. at Sofia Vergara.
Simula pa noong 2016 ay nagsisilbi na si Cowell bilang hurado at executive producer ng AGT.
- Latest
























