Catriona, naunsyami ang partisipasyon sa mu India
Nanghihinayang si Miss Universe 2018 Catriona Gray na hindi siya makakadalo sa grand coronation night ng Miss Universe India 2026 na gaganapin ngayong Sunday, Aug. 23.
Naglabas ng official statement ang kanyang management na Cornerstone Entertainment upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit nakansela ang kanyang participation sa prestihiyosong beauty pageant.
“Miss Universe 2018 and Cornerstone artist, Ms. Catriona Gray, was invited to participate in the grand coronation night of Miss Universe India 2026,” ang simulang pahayag ng management.
Ayon sa Cornerstone, may mga kondisyon daw na hindi na-meet ang organizers kaya hindi na matutuloy ang pagdalo ni Catriona.
“However, since certain conditions required for her participation could not be met, she will unfortunately not be able to join,” paliwanag ng Cornerstone.
“Catriona would have loved to take part in the festivities and witness the crowning of Miss Universe India 2026,” saad pa sa statement.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang management kung ano ang specific conditions na hindi nagawa o hindi natugunan para matuloy ang kanyang appearance.
Ini-repost naman ni Catriona ang nasabing statement at nag-sorry sa kanyang fans. Aniya ay first time sana niyang makakarating sa India at excited pa naman siyang ma-meet ang kanyang supporters sa bansa.
“So sorry to disappoint the fans (sad emoji).Was so excited to meet the wonderful fans from India and experience their beautiful country for the first time. Hopefully one day soon,” aniya.
Nagpaabot din siya ng kanyang well-wishes sa lahat ng kandidata sa naturang pageant.
“All the best to all the contestants of MU India,” pagtatapos ni Catriona.
Julia, walang double sa buwis-buhay na eksena
Hindi gumamit ng stunt double si Julia Montes sa isang buwis-buhay niyang eksena sa Sigabo kung saan ay nahulog siya mula sa bubong at nasalo naman ni Coco Martin.
Sey ng aktres sa panayam ng ABS-CBN, masaya siya na napanatunayan niyang kaya rin ng mga babae ang ganitong klaseng eksena.
“Bilang artista, ang sarap mapasama sa proyekto ni Coco... Dream come true for me. Ang sarap sa feeling na na-empower ka na kaya ng babae gumalaw, hindi lang puro sampalan,” sabi ni Julia.
Idea raw ni Coco ang rooftop scene dahil gusto raw ipakita ng aktor na hindi lang sa drama mahusay si Julia kundi maging sa action scenes.
“Ang maganda dito kay Jules, bago siya sumabak, talagang nag-training siya. Probinsyano pa lang, pinag-training ko na. Sa Sigabo, pinag-training ko ulit siya kasi mahirap talaga gumawa ng action,” sey ni Coco.
Tiniyak din ng aktor na marami pang mga bagong exciting scenes na mapapanood sa Sigabo.
“Mga nagawa namin ng Probinsyano, Batang Quiapo, sinisiguro namin malampasan namin,” aniya.
- Latest






















