Shaira, apektado sa malalang body shaming

Sa isang Facebook post, nag-share ng isang mensahe si Shaira Diaz tungkol sa body shaming.
Inamin niya na nag-gain siya ng timbang at nagsusumikap naman siyang magpapayat, pero nahihirapan siya.
Nasasaktan din daw siya dahil sa matinding pambabatikos ng ilang netizens na akala mo’y alam na alam nila ang nangyayari sa buhay at katawan ng ibang tao. “I’m dealing with metabolic and hormonal issues related to #PCOS, and I’m sure marami rin ang nakaka-relate sa struggle na ‘to. Insulin resistance and hormonal imbalances etc.
“Let’s be a little kinder and more sensitive. You never really know what someone is going through. If you have nothing nice to say, then please just keep it to yourself, hindi yung magco-comment pa. Inaano ko ba kayo? Ang pe-perfect niyo naman,” post ng Unang Hirit host.
Sinabihan din ni Shaira ang netizens tungkol sa pagbabahagi ng maling impormasyon. “And to those spreading false information, I am not yet pregnant. Thank you sa lahat ng na-excite pero malalaman niyo FROM US kung oo.”
Maraming netizens ang nagpakita ng suporta sa kanya sa comment section.
Payo ng iba, huwag na lang daw niyang pansinin ang mga negatibong komento.
Sabi naman ng iba, maganda pa rin siya at hindi dapat siya mag-alala sa sinasabi ng iba. Ang mahalaga raw, maayos ang buhay niya ngayon kasama ang asawang si EA Guzman. “I’m doing my best na hindi maapektuhan pero again, tao lang ako.. A little kindness goes a long way. God bless you all,” pagtatapos ni Shaira.
Charlie, gusto sanang maging doktor
Bago pala naging award-winning actress si Charlie Dizon, minsan na raw niyang pinagpalit ang pag-aaral niya sa kolehiyo para matupad ang dream niyang maging K-pop artist sa South Korea. “Nag-nursing muna ako sa UST. Tapos umabot akong two years. Gusto kong mag-Med talaga. Kasi hindi ko naman talaga ine-expect na makakapasok ako sa showbiz,” sey ni Charlie.
Nag-iba raw ng direksyon ang kanyang mga plano nang maging fan siya ng Korean dramas and K-pop dahil sa impluwensya ng isang friend. “Hanggang sa may nagpa-audition na Korean agency talaga. Tapos nag-audition ako. So nagpaalam ako sa Nursing sa UST na mag-aartista po ako.”
Sasailalim sana si Charlie sa training in South Korea, pero nagkaroon daw ng problema sa kanyang kontrata at work documents. Gamit daw kasi niya ay isang tourist visa at hindi working visa. “Parang gusto nila, ‘pag working, working. ‘Pag training, training lang. So parang umabot sa gusto nila i-fake na ‘yung contract. Siyempre ayaw ng mommy ko. So hindi na ako tumuloy.
“Nung hindi natuloy ‘yung Korea, talagang hiyang-hiya din ako. ‘Yung parang, ‘Ha, anong sasabihin ko? Sabi ko mag-aartista ako sa Korea.’”
Pero kinonsidera ni Charlie na isang blessing ang nangyari dahil nakapag-acting workshop siya sa Star Magic at nakatapos siya sa kurso na Human Resource Management at De La Salle-College of Saint Benilde.
Dumating kay Charlie ang pelikulang Fan Girl kung saan nanalo siya ng best actress award sa 2020 Metro Manila Film Festival.
Muli siyang nanalo ng best actress award para sa 2023 film na Third World Romance. “I think meant to be rin na nandito ako talaga,” sey ni Charlie na kinasal sa aktor na si Carlo Aquino noong 2024.
Ariana, nakipagbalikan kay Ricky!
Naging Instagram (IG) official na ang pagbabalikan nina Ariana Grande at Ricky Alvarez after maghiwalay 10 years ago.
Dalawang photos ang pinost ng Petal singer sa kanyang IG na parehong mirror selfies.
Last July ay opisyal na nakipaghiwalay si Ariana sa kanyang Wicked co-star na si Ethan Slater. Ilang weeks pa lang ang dumaan at nabalitang sila na ulit ni Alvarez.
Ayon sa Extra: “Ariana has always considered Ricky a friend. She’s not held ill will against him since their split. Ricky is dependable, trustworthy and very supportive. Ariana feels she can be herself around Ricky. They’re not jumping into anything serious right away, but Ari is happy to have him back in her life.”
Kasalukuyang nasa kanyang Eternal Sunshine tour si Ariana at magtatapos ito sa Sept. 1 sa The O2 in London.
- Latest























