^

Pang Movies

Male celeb, dinidiskartehan ang mga bossing para ‘di mabakante

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Safe na safe raw ang puwesto ng male celebrity na ‘to sa trabaho kasi kabisado na niya kung paano dumiskarte at magpakitang-gilas sa mga taong may kinalaman sa career niya. 

Kuwento ng isang source, every other week daw nagpapa-host siya ng bonggang dinner sa bahay para sa mga taong ito.

Hindi lang masarap na catering ang handa, may pa-gift bag pa siya sa mga ito. “Chika sa akin, pinag-aaralan daw niya kung ano ang gusto ng bawat bisita. Bag man ‘yan na branded o alahas, gagastos siya para lang tumatak sa isip nila. At effective nga. Kahit mawalan siya ng show, may ipapalit agad. Ganyan siya ka-diskarte sa mga people that matters sa career niya,” ayon sa source. 

Afford naman daw ni male celebrity ang gumastos dahil malaki ang talent fee niya. Kaya barya lang para sa kanya ang pinamumudmod niya sa mga taong ito. Ang balik naman ay secure ang trabaho niya ng maraming taon.

Komedyanteng si Divine Tetay, nagpa-sasakyan sa ex

Nagbahagi ang comedian na si Divine Tetay tungkol sa kanyang nakaraang pag-ibig.

Sa panayam sa kanya sa vidcast program na Your Honor, sinabi niya na isa sa mga patunay ng kanyang pagmamahal noon ay ang pagbibigay niya ng sasakyan sa kanyang partner. “Siguro may isa sa mga minahal ko na nagkaroon ng sasakyan. ‘Di ba ‘pag minsan ‘yung gano’n just to make him happy? Whatever. Kasi that was like before pa. So babe if you’re watching, hmp. Hindi na ngayon, ‘no?” tawa pa ni Tetay.

Marunong na raw siyang balansehin ang paggamit ng kanyang puso at isipan.

“Dati kasi, puso eh. Which is sobra ang binigay ko sa kanya. Kasi before, ano ako, oh my God, I believe in forever and it has to be beautiful and all. Fairytale, that kind of love. ‘Yung parang kahit minsan it’s painful already, alam mo ‘yun. ‘Yung you can’t take it anymore. Pero sige, go fight lang.”

May hangganan daw ang klase ng relasyon na gusto noon ni Tetay at no regret daw na nagbigay siya ng kanyang pagmamahal.

Nicole Kidman, may pahabol na rebelasyon sa nangyari sa kanila ni Tom Cruise

Pagkalipas ng 25 years, ngayon lang ulit nagsalita si Nicole Kidman tungkol sa naging marriage nila ni Tom Cruise.

Kinasal sina Nicole at Tom noong 1990 at nag-divorce in 2001.

Kuwento ng aktres sa British Vogue: “Because of who I married at such a young age, I was thrust into it since I was 22. Yeah, I got married so young.

“Suddenly I was 22, 23 years old and I had this huge movie star husband. But it just seemed completely natural. We just fell madly in love and it was that simple.

“I remember people saying to me, ‘Okay, well this is really going to affect your career! I’m like, ‘I don’t care. I’m in love. I want to be married!’ Of course I’II throw my career away. I don’t care!”

Kinasal ulit ang Oscar winner in 2006 sa Australian country singer na si Keith Urban. Na-finalize ang divorce nila ngayong 2026.

 

 

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with