^

Pang Movies

Andrea Brillantes, enjoy mambugbog ng lalaki?; Tipid-tipid na sa mga idol

Anna Pingol - Pang-masa
Andrea Brillantes, enjoy mambugbog ng lalaki?; Tipid-tipid na sa mga idol
Andrea

MANILA, Philippines — Habang sinusulat namin ito ay malamang nag-eempake na si Andrea Brillantes, who is bound for Europe this week along with the rest of the cast of A Secret in Prague.

Ayaw pa niyang sabihin kung saan sa Europe but a continuing shoot sa ibang lupalop ng mundo is a testament na success story talaga ng TV5 ang Andrea-Enrique Gil tandem series na ito na tatlong buwan nang umeere at napapanood din sa Netflix.

In real life, wala raw appeal kay Blythe (palayaw ni Andrea), ang buhay-Mafia kahit pa mayaman at powerful ang mga ito. Mafia boss daughter kasi ang role niya sa series (as Chiara) and well-trained siyang humarap sa dangerous encounters as part of their criminal life.

At dahil sa kanyang role, napapasabak nang husto sa action scenes si Andrea na aminadong enjoy na enjoy naman sa kanyang ginagawa.

“Nagugustuhan ko ‘yong nahihirapan ako, nagugustuhan ko ‘yong stunts na ako talaga ‘yong gumagawa... nagugustuhan ko ‘yung ‘pag may natatalo ako... ‘pag may nabubugbog akong mga lalaki...”

Ikinatawa ng mga nag-i-interview kay Andrea ang huli niyang sinabi at piniga pa siya kung may ini-imagine raw ba siyang real-life lalaki sa buhay niya na binubugbog at natatalo niya.

“Wala naman po,” natatawang iwas-sagot niya. “Masarap lang sa pakiramdam. Masaya lang [‘yong role].”

Indeed, nasa action star era na niya ngayon si Blythe na siya pa mismo ang bida. Noong araw kasi, dekorasyon lang sa action movies and TV shows ang mga babae under the guise na “leading lady.” Ngayon, nagbibida na rin sa action genre ang mga babae. In fact, given a chance, gusto raw niyang mabigyan sana siya ng mala-BuyBust na project. Bet na bet daw niya ang pag-a-action doon ng kanyang Ate Anne Curtis.

At dahil nga nagsisimula na siyang sumabak sa mature roles, nausisa rin si Blythe kung ready na rin ba siya sa daring sexy roles. After all, siya na rin ang nagsabi na 23 years old na siya and way past her loveteam era.

“Open po ako to any [role], as long as the script is good,” aniya. “Maganda ‘yung [working] environment at kasundo ko lahat, go! – kahit din ‘di ko kasundo [ang katrabaho ko], go. Basta maganda ‘yong script, go.”

As for restrictions...

“Meron naman po akong boundaries. Kapag hindi ko kaya, hindi ko naman gagawin.”

Part kaya ng mga hindi niya kaya ang upper part frontal nudity?

Napaisip muna nang malalim ang negosyante ring aktres.

“…baka mamaya balikan ‘tong interview na ‘to... [at kainin ko mga sinabi ko]... as of the moment po, hindi pa [kaya].”

Open-ended ang sagot ni Andrea, which gives leeway na in a few years, ‘pag mas matured na siya, ay baka kaya na niya. Ang tanging condition lang naman niya ay sana maganda ang istorya to be worth it.

And speaking of maturity, randam na raw ng dating child star, who started acting at seven years old, na nagma-mature na nga siya hindi lang sa mga tinatanggap na roles kundi maging sa mga ginagawa niya off-cam.

 “Baka po maghanap kayo ng malalim na sagot,” natatawang pangunguna niya. “Pero ngayon, nare-realize ko nagma-mature na ko kasi nagtitipid na ‘ko.

“Kasi ang daming mga K-pop idol, K-drama idols... kung ako dati, pak bili agad [ng mga merchandise]. Ngayon, ‘Bibilhin ko ba? Worth it ba talaga?’ Oh my gosh, nagma-mature na ‘ko... Tipid-tipis na... namamahalan na ‘ko sa lahat ng bagay.”

Anyway, Andrea’s A Secret in Prague series airs 9:30 p.m., Mondays to Fridays on TV5’s TodoMax Primetime block.

ANDREA BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with