^

Pang Movies

JK, pinangalandakan ang pagmamahal sa Beauty queen

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
JK, pinangalandakan ang pagmamahal sa Beauty queen
JK at Dia

Ipinagsigawan ni JK Labajo na ngayon pa lang niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig dahil sa beauty queen girlfriend na si Dia Mate.

Binati ng singer/actor ang GF sa pagdiriwang ng kanilang anniversary at talaga namang nakakakilig ang kanyang mensahe.

“Every time I witness your eyes looking at me it makes me feel like how I feel when I watch the sunset. “Matagal ko na ring hina­ngad na matikman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

“At nung dumating ka sa buhay ko, doon ko lang napagtanto na ang pagmamahal na nararapat sa akin ay IKAW,” mensahe ni JK kay Dia sa Facebook.

Patuloy niya, “To my beautiful baby girl, my best friend, my ride or die, my superstar. Happy Anniversary! Mahal na mahal kita!”

Sa isang hiwalay na post sa FB ay binati rin ni Dia ang boyfie.

“Happy anniversary to my love [JK] I love you!” ang short but sweet anniversary message ng beauty queen kay JK.

Alden, nag-iisa sa dream home!

Ang bongga ni Alden Richards dahil may bago na naman siyang bahay and this time ay solo na niya at matatawag na dream home niya talaga.

Sa panayam sa 24 Oras ay sinabi ng Asia’s Multimedia Star na nakalipat na nga siya sa bagong house.

“This is a home that I can call my own,” proud niyang sey.

Matatandaan kasing nakapagpagawa na rin ang aktor ng bonggang mansyon para sa kanyang pamilya few years ago.

“Before, inayos ko muna ‘yung sa family ko. I think I was able to give them a comfortable life already. Ah, ako naman,” aniya.

Ang nasabing new house ay bunga raw ng lahat ng kanyang paghihirap at pagtatrabaho sa showbiz.

 “So, itong bahay na ‘to, I’m just really proud na at least na-validate lahat ng hard work, and inspires me to go further pa rin,” aniya.

Bukod sa properties, nakapagpundar na rin si Alden ng iba’t ibang negosyo kabilang na ang chain of fast food/restaurants at sariling production company.

JK LABAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with