Dream project ng batang aktres, hinahanapan pa rin ng budget
Malabo raw magawa ang isang dream project ng sikat at box office junior actress. Inaasam-asam pa naman niya ang project dahil out of the box kaya gustung-gusto niya.
Eh magastos daw kasi ang project lalo na’t period ang setting nito. Eh hindi rin financially capable ang in charge sa project.
Kaya ang ginagawa ng in-charge sa project, naghahanap ng investors upang mapagbigyan ang gusto ng aktres!
True ba?
Marian, tatapatan si Julia?!
Naku, hindi patatalbog ang GMA Network sa pagsasama nina Coco Martin at Julia Montes na bukod sa free TV eh napapanood din sa ilang digital platforms ang kanilang programa!
Kaya naman ang Kapuso network tinodo na rin sa free TV – GMA, GNTV, Heart of Asia at I Love Movies mapapanood ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes!
Bukod sa free TV eh may digital platforms din silang paglalabasan ng action packed series!
‘Kaloka ang labanan ngayon ng mga serye kahit na sinasabi ng ibang marami nang hindi nanonood ng TV.
Pero ang tiyak na aabangan ay kung papayag ba si Marian Rivera na magkaroon ng special appearance sa The Master Cutter.
Bongga ‘yun ‘pag nagkataon.
- Latest

























