^

Pang Movies

Ian Manibale, handang muling umibig sa bagong single na ‘Ganito Ba’ 

Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling binuksan ng Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak runner-up na si Ian Manibale ang kanyang puso sa bagong single na Ganito Ba.

Tungkol ang R&B track sa espesyal na connection sa isang tao sa hindi inaasahang panahon. Dala nito ang emosyon ng pagkakaroon muli ng pag-asa na sumubok magmahal. Isinulat ito ni Kiko Salazar at iprinodyus ni Gabriel Tagadtad sa ilalim ng DNA Music label ng ABS-CBN.

Unang nakilala si Ian na tubong Cantanduanes nang maging runner-up ito sa Tawag ng Tanghalan season 5 noong 2021. Muli niyang nasungkit ang ikalawang pwesto nang magbalik siya sa Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak season 2.

Matapos ang TNT journey, naging ganap na recording artist si Ian at inilunsad ang debut single na Vicente Cruz na sinundan ng Laging Nasa Tabi Mo.

Nakasama niya rin ang day one para sa Naubos Na at ang kapwa TNT alum na si Jezza Quiogue para sa Hindi Na Mahal. Kasalukuyang bahagi si Ian ng One Music Management.

MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with