^

Pang Movies

Andrea, ‘di agad nadiskubre na player din ang bagong jowa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea, ‘di agad nadiskubre na player din ang bagong jowa
Andrea Brillantes
STAR / File

Sinagot ni Andrea Brillantes ang impresyon sa kanya ng mga tao na never siyang nababakante sa boyfriend at laging may iba’t ibang boys na nali-link sa kanya.

Sa latest interview ng aktres kay Karen Davila ay natanong siya kung nagkakaroon ba ng time na single siya or walang boyfriend. “Yes, ‘yun din, lagi rin akong nasasabihan na never akong nababakante, na lagi akong... laging may boys, pero after him (Ricci Rivero, her ex-boyfriend), almost two years yata akong walang boyfriend.

“And one year ‘yun na single po talaga ako, wala akong kinakausap at all, wala akong tinitingnan din at all. Parang one year ‘yun talaga na ako, ako lang talaga. And then, nag-try siguro ako na mag-date pero hindi ko rin naging boyfriend, kasi nga, careful lang ako siyempre sa time ko, ayokong mag-aksaya ng oras,” saad ni Blythe.

Dagdag niya, “pero yes, nagiging single po ako. Marami lang kayong nili-link din sa akin na mga lalaki na minsan, hindi ko rin naman alam, and ‘yun. Nagiging single naman ako, hindi ako boy crazy.”

Sinabi rin ng aktres na kaya niyang mabuhay nang walang lalaki pero siyempre, gusto rin niya na may magmahal sa kanya. “I can live without them. Yes po, but of course gusto rin natin ng love. And ano po kasi, hindi naman sa mayabang ako, pero maganda rin po kasi ako,” sey ni Andrea sabay-tawa at pati si Karen ay natawa.

Patuloy pa niya, “so lagi pong after a failed relationship, laging mayroong mga nagre-represent na ‘I can treat you better, I can give you this and that.’ and then, siyempre, gusto kong maniwala. Ayoko kasing umabot sa point na hindi na ako naniniwala sa love. Kasi pangarap kong magka-family, and I want to be a bride, I want to be a mom. So, I always give chances.”

Nilinaw niya na siya ang nililigawan at hindi siya ang lumalapit sa guy. “So, marami lang po talagang nagta-try. And then, ‘okay, let’s see.’ Eh kung wala, eh di wala.

“Ayun lang naman. Hindi ako ‘yung lumalapit or ako ‘yung naghahanap lagi. So I can live naman without a boyfriend. But if merong magpapakita at cute naman siya, and we get along, eh di why not?” sey ng aktres.

Sey ng aktres, wala rin daw masama kung makipag-date siya dahil single naman siya. “Ano bang gagawin mo when you’re sexy, single and you’re in your early 20s? I think, I am entitled to date whoever I want to date. Especially kapag I pay naman my bills, I pay my taxes, I pay everything correctly. And hardworker ako. Pwede akong mag-date kung sinong gusto ko,” saad ni Blythe.

Napag-usapan din nila ang current boyfriend niya ngayon na si Franchesco Juan “Pankie” Capistrano na isa na namang basketball player. Nagkakakilala raw sila ni Pankie through mutual friends.

Dahil nga basketbolista na naman ang BF niya ngayon, natanong si Andrea kung talaga bang mahilig siya sa atleta.

Matatandaan kasing ang mga ex ni Andrea na sina Ricci Rivero at Sam Fernandez ay pawang mga basketbolista. “Ayun na nga! Lagi na lang,” natatawang sambit ni Blythe.

“Kahit ako, napapakamot ako. Hindi ko po siya tinitingnan kasi na ‘so, ano trabaho mo, ano sport mo?’ Nalalaman ko na lang, kunyari kapag gusto ko na ‘yung tao, ‘oh my gosh, nagba-basketball pala siya.’ Sa isip ko, ‘alam ko na sasabihin ng mga tao, another basketball na naman, ‘yun na naman iisipin nila,” aniya.

“But hindi ‘yun ‘yung type ko. Hindi ‘yun ang hanap ko. Nagkakataon lang kasi, ‘yun ang number one sports sa Philippines. Every guy here in the Philippines knows how to play basketball.

“So, it just so happens but it’s not what I’m looking for in a guy,” paliwanag niya.

Matatandaang last January nang i-hard launch ni Pankie ang relasyon nila ni Blythe dahil nag-post siya ng larawan nila ng aktres na sweet na sweet na magkasama sa New Year’s countdown sa Bonifacio Global City.

ANDREA BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with