Award-winning actress, ‘di nakatiis sa madramang karelasyon!
Wala palang pinipiling oras ang dating boyfriend ng isang award-winning actress kaya siguro napuno na at hiniwalayan na niya!
Basta kailangan ni boyfie (na isang negosyante) si aktres, kahit nasa location ito ng taping eh tinatawagan niya at kung anu-ano ang ginagawang dahilan para umalis sa taping si aktres!
At pagdating ng aktres, walang kuwentang bagay ang dahilan ng pagsugod ng aktres gaya ng may sakit, may nakagalit at kung anu-ano pa.
Hindi lang isang beses ginawa ng boyfie sa aktres ang paalisin siya sa taping. Kaya siguro napuno na si aktres at hiniwalayan na si boyfie at agad na nakahanap ng kapalit ng aktres!
CapHeath, plantsado na agad ang serye
Ambilis ng kaganapan sa unang series nina Caprice Cayetano at Heath Jornales!
Aba, matapos ihayag ang pagpalit ng genre ng series ng Pinoy Big Brother alumni, naging romcom na ito na ang title ay You’re My Favorite Song!
Then, nagkaroon na agad ng storycon upang ihayag ang makakasama nina Heath at Caprice!
Makakasama sa serye ng CapHeath sina Katya Santos, James Blanco at Bobby Andrews pati na rin sina Lee Victor, Wynona Collins, Princess Aliyah at iba pa.
Mapapanood ang unang CapHeath series sa GMA Afternoon Prime.
- Latest
























