Anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia, sa musika kumakalma

MANILA, Philippines — Very into music pala si Jazz, ang 17-year-old gwaping son ni Jennylyn Mercado sa dating nakarelasyong aktor na si Patrick Garcia.
Natanong kasi namin si Jen –during her contract signing as the face of Beautederm’s air fabric freshener na Reverie – kung saan nag-e-excel ang kanyang panganay. To the unfamiliar, si Jazz ay may autism spectrum disorder. At karamihan sa mga under the spectrum ay nagiging very skilled sa anumang mapagtuunan nila ng atensyon gaya ng art, numbers or gadget.
“Sa music po,” proud na tsika ni Jen. “Nahihirapan siyang magsalita pero ‘pag may music, mas alert siya, ‘yong focus n’ya nandoon.”
Wala pa raw itong nakakahiligang musical instrument at the moment pero nakababad raw ito sa kanyang earphones at napapansin niya lang na ‘pag nagha-hum ito ay “ang galing ng tono.”
Mahilig din daw sa music ang bunso niyang si Dylan, anak naman nila ng napangasawang si Dennis Trillo. Mukang parehong sa kanya nagmana ang dalawa. Although Dennis can sing (and Patrick can carry a tune), si Jen ang talagang may musical genes sa pamilya.
Ang speaking of music, patapos na raw ang kanyang bagong album under Star Records. Dalawa na lang daw ang natitira pang ire-record niya out of eight songs. Pero na-shoot na raw nila ang music video na ayaw niyang sabihin kung sino ang guest. Short film daw ang naging atake nila ni Direk Irene Villamor na huli niyang nakatrabaho sa GMA series nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat. noong 2024.
Samantala, may isa pang son si Jen, si Calix, anak ng asawa niyang si Dennis sa dati rin nitong karelasyon na si Carlene Aguilar. At 19, ito ang tumatayong kuya nina Jazz at Dylan sa kanilang blended family setup. At dahil nga sa modern setup nilang ito, naka-develop na raw sila ng friendship ng nanay ni Calix.
Sadly though, mukang she cannot say the same sa tatay ni Jazz na si Patrick. In fact, wala siyang masabi at all dahil nang matanong na about Patrick, ngumiti lang ng pagkatamis-tamis ni Jen sabay himas sa mga reporter na nagtatanong. Meaning, off limits ang anumang topic na may kinalaman kay Patrick, who is now happily married to Nikka Martinez with whom he has four kids.
Mukhang meron pa ring hindi maplantsang gusot between them. There was a time na naging okay na. Pero base sa naging pag-iwas ni Jen, mukhang hindi na naman sila nagmi-meet eye to eye.
Sana in time, magkaayos din sila completely and with finality.
- Latest
























