Vice Ganda, suportado ang dangerous hobby ni Ion

MANILA, Philippines — Kahit wala pa sa showbiz ay hobby na ni Ion Perez ang pagba-bike sa kanyang hometown sa Tarlac.
But this time, hindi lang siya basta biking enthusiast kundi pinasok na niya ang sports side nito. Certified siklista na si Ion lalo pa’t sumasali na siya sa competitions. At dahil kumikita na, upgraded na rin ang bisikleta niya (na balita namin ay worth P1 million plus) at mga biking gear.
Kamakailan lang ay nag-uwi siya ng gold medal nang sumali siya sa 240 kilometers endurance race na ATTCK UNRSTRKTD na ginanap sa Nueva Ecija. Eto ‘yong tipo ng race na involved ang uneven terrains sa mga gubat-gubat with matching river crossing at kung anu-ano pang challenges.
Months ang preparation para makasali sa ganoon kaya naman laman ng kalsada si Ion in his bike at sumasama sa mga kapwa niya bikers sa mga long out-of-town cycling tours.
Needless to say, may kaakibat na dangers ang napiling sports ni Ion. Pero kahit kinakabahan siya sa tuwing lalabas ang asawa para mag-bike, ay todo suporta pa rin si Vice Ganda sa kinawiwilihan ni Ion. Never daw niya itong pagbabawalan sa one and only “bisyo” nito.
“Kinakabahan ako pero it’s not about me,” tsika ni Vice. “That [biking] makes him so happy, that makes him so healthy. At saka natutuwa ako kasi nagkaroon siya ng sariling ganap sa life, ‘di ba?
“Ayoko kasi no’ng ‘Ah, dyowa ni Vice.’ Nakapunta siya sa isang community na bahagi talaga siya... na nag-e-excel siya. Bida siya doon. Natutuwa ako na he’s doing something that makes him so happy and he excels in.”
- Latest























