Vice Ganda, may takot sa pagtanda

MANILA, Philippines — Vice Ganda just turned 50 last March 31 at sa huling pakikipagtsikahan niya sa showbiz press kamakailan, hindi naiwasang nakatanggap pa rin siya ng mga belated na pagbati.
At nang may nagtanong how it felt being 50, nagbiro s’yang ‘wag na umanong pag-usapan ang edad.
That prompted this writer to ask kung may vanity ba siya tungkol sa pagtanda.
“Wala naman,” agad niyang paglilinaw. “Pero s’yempre as celebrities (kami), ‘di ba, hindi natin masyadong... hindi naman talaga natin matatago ang edad kaya lang s’yempre may ilang [tao na] ‘pag celebrity ka, may dating ‘yong edad sa followers, sa ibang tao, sa viewers mo, ‘di ba?
“Meron tayong tinatawag na ageism, e,” patuloy niya. “Kung merong sexism, at racism, meron ding ageism na ‘pag tumatanda ka na, parang iba ‘yong pagtingin nila sa’yo. Either bibigyan ka nila ng respeto o parang bababa ‘yong paghanga nila sa’yo kasi feeling nila, you’re of age na parang palipas... parang ‘pag tumatanda ka, parang papunta ka sa palipas, ayoko ng thought na ‘yon.”
Ang ageism, according sa Google AI (artificial intelligence), ay ang “prejudice or discrimination against individuals based on their age, involving negative stereotypes (thinking), feelings (prejudice), and discriminatory actions, predominantly affecting older adults but also impacting younger people.”
Pero mukhang malayo pa naman siya sa pagkalaos. Para ngang mas pumi-peak pa ang kanyang career.
Bukod sa paghahanda sa isang grand collab para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026, nakalatag na rin ang pagbabalik sa ere ng matagumpay niyang game show na Everybody Sing Season 4 at pagkatapos noon ay posibleng magbalik na rin ang kinasasabikang talk show niyang Gandang Gabi, Vice.
Kaya naman at 50, never sumagi sa isip niya ang mag-retire o mamahinga tutal ay wala na siyang dapat patunayan pa. Katuwiran niya, habang gusto siya ng tao ay mag-e-entertain siya in whatever medium he is needed – TV man, pelikula, o maging as a stand-up comic sa matagumpay niyang Vice! comedy club – kahit 70-plus years old na siya gaya ng TVJ (Tito, Vic and Joey).
“Gusto ko kung kaya ko pa at kung bagay pa sa akin... kung hindi masagwa at kung masaya pa sila (ang audience),” natatawa pero seryosong saad niya. “Kasi hindi naman p’wedeng gusto ko lang ano, kailangan makita ko kung masaya pa ba ang audience ko. Baka naman ikaw na lang ang may gusto, ‘di ba? Kailangan gusto mo at gusto rin ng mga manonood, hindi p’wedeng gusto mo lang.
“Kahit nga hindi 70, e. Kahit 50 ka lang kung ayaw na sa’yo... kung gusto ka pa nila at may naibibigay ka pa, go lang kasi baka nga ‘yon ang purpose ng buhay ko.”
- Latest






















