^

Pang Movies

Catriona, may bagong karelasyon na?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Catriona, may bagong karelasyon na?!
Douglas at Catriona

Alam mo, Salve A., naka-move on na ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray sa breakup nila ng Fil-Am singer-actor na si Sam Milby dahil nakahanap na ito ng bagong boyfriend sa katauhan ng American model-actor na si Douglas Charles.

Tama ang pag-iyak at pagiging malungkot sanhi ng paghihiwalay nila ng dating nobyo dahil masaya ngayon ang dating beauty queen-singer-turned actress.

Kung masaya ang puso ngayon ni Catriona, super happy rin siya sa kanyang hit debut film, ang The Loved One, na pinagbidahan ng balik-tambalan nina Anne Curtis at Jericho Rosales na kumita na umano ng mahigit P250M (including international screenings). Ito’y produced ng home studio ni Catriona, ang Cornerstone Studios and Viva Films.

Kaya tiyak na tuluy-tuloy na ang kanyang acting career kahit singing ang kanyang priority.

Karla, nakaya ang mga anak

Singer, actress, host at entrepreneur na si Karla Estrada single-handedly raised her four children na magkakaiba ang ama. Ang kanyang panganay na si Daniel Padilla ay anak niya sa actor na si Rommel Padilla habang ang second child niya na si Juan Carlos (JC) ay anak naman niya sa pinsan ni Rommel, ang musician na si Naldy Padilla. Ang pangatlong anak ng singer-actress na si Margaret ‘Magui’ Ford ay anak niya sa dating konsehal ng Quezon City at ex-husband ng writer, radio and TV personality na si Pat-P Daza na si Mike Planas. Habang ang bunsong si Carmella ‘Lella’ Ford ay anak niya sa isang non-shobwbiz guy na may apelyidong Tenorio.

Napalaki ni Karla ang kanyang apat na anak na mababait at may takot sa Diyos at never umanong naging isyu sa mga bata kung bakit magkakaiba ang kanilang ama on their growing up stage.

Lahat ng apat na anak ni Karla ay close sa kanilang respective biological fathers kaya buo ang kanilang pagkatao. Never ding inilayo ni Karla ang kanyang mga anak sa kanilang mga ama.

Kung si Daniel lamang ang nasunod, ayaw niyang mag-showbiz ang kanyang mga kapatid laluna ang bunsong si Lella pero hindi rin ito makaiwas sa tawag ng showbiz.

Gusto lamang masubukan ni Lella ang showbiz at kapag hindi ito para sa kanya ay nakahanda siyang magtungo ng Australia para doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ang pagiging Big Winner ni Lella (along with Kapuso young actress na si Caprice Cayetano) sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ay isang major factor sa kanyang showbiz career. Idagdag pa riyan ang pagiging bunsong kapatid ni Daniel Padilla at pagiging anak ni Karla Estrada.

Ngayong nasa outside world na si Lella, tiyak na mas marami itong hamon na kakaharapin bilang contract talent ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN kung saan din nakakontrata ang kanyang kuya na si Daniel Padilla.

Alex, may wish kay Pacman!

Alam mo ba, Salve A., na pangarap ng Filipino tennis superstar na si Alex Eala na makapanood sa isa sa kanyang mga laban ang Filipino boxing icon, ang 8-World Division champion na si Manny Pacquiao?

Magiging espesyal at unforgettable umano kay Alex kung mapapanood ni Pacman ang isa sa kanyang mga laban, him being the one of the Philippines greatest sports icons.

As a young girl ay nakasubaybay na umano si Alex sa mga laban at achievements ni Manny.

Kung ang mga Filipino ay proud sa achivements na naabot ni Manny, proud din kay Alex ang kanyang mga kababayan.

CATRIONA GRAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with