^

Pang Movies

Young actress, umaatungal kapag nagugutom!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Gutumin ang isang kilalang young actress, kaya naman kailangan bago siya umalis ng bahay o may pupuntahang event o trabaho, dapat eh nakakain na siya ng either agahan o tanghalian.

Kaya naman lagi siyang may baon na kutkutin upang may isusubo kapag nakaramdam ng gutom.

Nang maimbitahan sa isang out-of-town event kasama ang ina, marami pala silang performers na kasama. Bago pumunta sa venue, kumain muna ang lahat.

‘Yun nga lang, natagalan sa isang event si young actress. Nakalimutan pa niyang magdala ng kakainin sakaling gutumin.

Kaya naman sinabihan niya ang ina nang magutom. Eh hindi pa dumarating ang meryenda ng performers. Malayo rin sa kainan o tindahan ang venue ng show.

Hanggang sa nakita na lang na umiiyak si young actress. Pinatatahan siya ng ina.

Nagulat ang nakakita sa pag-iyak ng young actress na kinu-comfort ng ina. Hanggang sa lumapit ang organizer at tinanong kung bakit umiiyak ang anak.

Sinabi ng ina na nagugutom ang anak. Ugali nito ang umiyak kapag gutom!

Agad nagpautos ang organizer na maghanap ng pagkain para sa young actress. Nang dumating ang food, pinakain si young actress saka huminto ng iyak nang makakain!

Heart, wagi na naman sa rampahan

Nanguna si Heart Evangelista sa Top Voices sa Paris Men’s Fashion Week FW26 na may impressive na $23.5M Media Impact Value (MIV).

Patunay ito ng hindi mapantayang influence ng global fashion icon.

Humamig din si Heart ng $8.5 MIV sa Haute Couture Week na nagpatibay sa kanyang estado bilang isa sa powerful fashion voices globally!

Iba talaga ang international appeal ni Heart!

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with