Kyline sinagot ang pagpapagawa ng mukha

Itinanggi ni Kyline Alcantara na may pinaretoke siya sa kanyang magandang mukha, pero okay lang daw sa kanya ang pagpapa-enhance.
“I’m all about self-love, self-confidence. Knowing your self-worth. I’m okay with enhancing yourself or your features.
“Okay po ako pagdating sa enhancement as long as you feel confident after that and you won’t regret it, go for it. Kasi, it’s your body.”
Karamihan daw ng komento sa kanya ay pinagawa niya ang kanyang cheeks, dimples, at chin. Pero pinagdiinan ng Kapuso kontrabida na wala pa siyang pinapagalaw sa kanyang mukha. Natural daw lahat ng nasa face niya.
Heidi Klum, hindi nakilala sa runway
Ang supermodel at Project Runway host na si Heidi Klum ang tunay na Queen of Halloween!
Sa kanyang annual “Heidi-ween” party in New York City, ginulat niya ang marami sa kanyang chilling transformation as a full-body Medusa complete with glowing green scales, fanged teeth, and a crown of live-like snakes.
Simula pa noong 2000 ay panay ang pasabog ni Heidi sa kanyang over-the-top costumes tuwing Halloween. Natigil lang ito pansamantala noong 2020 and 2021 due to the pandemic. Pero bumawi siya noong 2022 sa costume niya na worm, 2023 bilang peacock at 2024 as Mr. and Mrs. E.T. The Extra Terrestrial.
“I’m going to be very ugly because I always try to do something different,” sey ng 52-year old supermodel.
Unrecognizable si Heidi noong rumampa siya sa red carpet. Addition pa ang kanyang husband na si Tom Kaulitz bilang soldier na naging bato dahil sa pagtitig sa kanya.
- Latest
























