^

Pang Movies

Rabin at Angela, may misteryo ang unang tambalan sa pelikula!

Anna Pingol - Pang-masa
Rabin at Angela, may misteryo ang unang tambalan sa pelikula!
RabGel

MANILA, Philippines — Bukod sa AshDres (Andres Muhlach at Ashtine Olviga), malakas din ang RabGel tandem nina Rabin Angeles at Angela Muji na ipinakilala kamakailan lang sa hit Viva One series na Seducing Drake Palma na kasalukuyan pa ring nag-i-stream sa nasabing platform.

At noong Sept. 13, ay ini-release na ng Viva sa mga social media nila ang teaser announcement para sa upcoming first movie project ng tambalan.

Extreme closeup ng kanang mata ang nakapaloob sa maikling video teaser na ang iris ay nag-iiba ng kulay, habang ang pupil ay lumiliit-lumalaki. Ang last image bago magsara ang video ay parang ‘yung katatapos lang na solar eclipse. Haha!

Kaya tila may pagka-mystery o sci-fi ang proyekto na syempre, hindi dapat mawalan ng love angle.

Wala pang detalye about the movie. Basta’t ang nakalagay lang na caption: “New Movie Alert! The first movie pairing of Rabin Angeles and Angela Muji. Coming soon. Exclusively in cinemas!”

I’m sure, nagsu-shoot na sila now at challenge sa kanila na tapatan ang magiging box-office outcome ng AshDres movie na hindi pa man nagso-showing ay nagso-sold-out na ang tickets, ha.

Congats, Viva One. Nakagawa kayo ng bagong idols.

MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with