^

Pang Movies

Charo-Dingdong, nambitin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Charo-Dingdong, nambitin!
Dingdong Dantes at Charo Santos

Kundi masama ang pakiramdam ko lately, papanoorin ko ang pelikulang Only We Know starring Charo Santos at Dingdong Dantes.

Baka sakaling maka-relate ako ‘di ba. Kasi nga pang-old women nga raw ang kuwento nito na umaasang magkakaroon ng magmamahal sa kanila.

‘Di ba parang bonggang panoorin ang ganung pelikula na makaka-relate tayo.

More than two weeks na itong palabas sa mga sinehan at ngayon ay nag-iikot sila sa Amerika at showing daw ito sa Hongkong.

Kasi ‘di ba parang ang suwerte naman ni Charo na nakapartner niya si Dingdong.

Pero ba’t may mga nabitin sa kuwento. Ba’t wala raw laplapan.

Dapat ba talaga may laplapan?

Pero ayos daw ang kuwento, ‘yun nga lang parang nakulangan sila mga ‘landiang’ eksena.

Whoooa.

Sayang talaga kasi nga ba’t ba laging masama ang pakiramdam ko lately.

Parang nanghihina talaga ako at parang ayaw ko na halos bumangon.

Hay ganun talaga ang buhay pag 78 years old ka na. Mahina na ang katawang lupa mo kahit gusto pang magmaldita ng isip mo.

Anyway, tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino at ‘wag siraan ang mga ito at ikumpara sa mga foreign film.

‘Yun lang at babu na.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with