Anthony, gulat sa nakuhang atensyon

Trending pa rin at pinag-usapan online ang pagsundo ni Anthony Constantino kay Shuvee Etrata sa labas ng Bahay ni Kuya.
Marami ang natuwa dahil napaka-sweet ni Anthony kay Shuvee at mukhang bagay talaga silang dalawa.
Pati ang ka-duo ni Shuvee na si Klarisse de Guzman, kinilig sa reunion ng dalawa at biniro pa ng mga ito gamit ang kanyang iconic “OA” line.
Hindi inasahan ni Anthony ang atensiyong nakuha niya dahil lang sa pagsundo niya kay Shuvee.
“It’s great to have the buzz and everything, but my intention was just to be there to really support Shuvee and ate Klarisse as well.
“It was an unexpected eviction so I just really wanted to be there to support them and show my love,” pahayag niya.
Thankful ang Sparkle TDH (Tall, Dark and Handsome) sa suportang natanggap niya.
“It’s great, always, to be known so hopefully, I’m able to use my platform for something great. I love the fans. I love all the fans,” bahagi niya.
Sa hiwalay na interview, nilinaw ni Shuvee na nanliligaw pa lang sa kanya si Anthony at wala pa silang opisyal na relationship.
Kaya naman daw gusto ni Anthony bumisita sa hometown ni Shuvee sa Bantayan Island sa Cebu para mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa.
“I’ve never actually been to Cebu ever so I think that’s a priority on my list now. I heard its a beautiful place. I’ve seen pictures, of course. And all of Shuvee’s family is there so maybe one day, soon, I’ll be able to go there.”
Kylie, may takot
Aminado si Kylie Padilla na may pangamba siya sa upcoming GMA Afternoon Prime series niyang My Father’s Wife.
Dahil sa pamagat at tema nito, na tungkol sa mga nasirang pagkakaibigan at pagtataksil, nag-aalala siyang ikabit ito sa mga mahal niya sa buhay, partikular sa kanyang stepmom na si Mariel Padilla.
“Actually, I was worried about that. Ayoko siyempreng i-associate ng mga tao sa kanya, ‘di ba?” lahad ni Kylie.
Ibang-iba raw ito sa sitwasyon nila sa tunay na buhay.
“Sumbungan ko siya. Sa kanya ‘ko nagsusumbong when I have a problem. Kasi, ayokong magdagdagan ‘yung problem ng dad ko, so kay tita Mariel na ‘ko dumidiresto. Almost everything na kailangan ko ng tulong, I ask her,” bahagi ni Kylie tungkol sa relasyon niya kay Mariel.
- Latest