Mikee, isang dekada bago nagmartsa!

Sa wakas ay nakapagtapos na ng kolehiyo si Mikee Quintos matapos ang 10 taong pag-aaral.
Grumadweyt na ang Kapuso actress sa kursong Architecture sa University of Santo Tomas at masaya niyang ibinahagi sa kanyang social media account ang mga larawan at videos ng katatapos lang na graduation ceremony niya.
Sa isang post niya ay makikitang nakasuot siya ng black toga with her architecture graduation sash.
Caption niya, “Guess who just got one degree hotter!!” at nilagyan ng hashtag na “#USTArchitectureBatch2025.”
Napuno rin ng graduation videos ang Instagram Stories ni Mikee at makikita ngang kasama niya ang kanyang pamilya sa graduation na of course ay masayang-masaya rin.
May touching video rin si Mikee kung saan inaayos ng daddy niya ang kanyang toga.
Sey naman ng mommy niya sa isang reel, “finally, natapos na kami sa tuition fees. Mission accomplished.”
Nag-post din si Mikee ng pagkain nila ng pamilya sa isang restaurant pagkatapos ng graduation ceremony.
Noon pa ay alam sa showbiz na talagang sinisikap makapagtapos ni Mikee sa kabila ng busy schedules. Hindi pa siya artista nang magsimula siya sa kanyang kurso hanggang sa naabutan pa ng pandemic kaya lalong natagalan.
Janine, pinoproblema ang kanilang reunion
Pinoproblema ngayon ni Janine Gutierrez kung paano nila maipagpapatuloy ang kanilang ‘reunion’ o ‘get-together’ every Sunday ngayong wala na ang kanyang ‘Mamita’ o lolang si Pilita Corrales.
“Before, our Sunday was with Mamita, every Sunday we spent it in her house. How do we keep that tradition alive now? Wala pa kaming maisip na bagong home base,” sey ni Janine nang makatsikahan namin sa kanyang media launch bilang ambassador ng health maintenance organization (HMO) na iCare.
Gusto niya raw na magtuluy-tuloy pa rin ang kanilang Family Sunday kaya pinaplano niyang sa bahay na lang niya ito ganapin.
“Baka ako na lang ang mag-volunteer. Marami lang akong huhugasang pinggan when we do it in my house. Pero, kaya natin ‘yan,” aniya.
Nagluluksa pa rin siya at ang kanyang pamilya sa sunud-sunod na pagpanaw ng tatlong kaanak na sina Pilita Corrales, Nora Aunor at Ricky Davao.
“I also hope for strength for my parents and my cousins. It’s still a difficult time for the family. I’m just here to support my mom, whatever comfort and love that I can offer and give her,” pahayag pa ng aktres.
Samantala, bilang bagong brand ambassador ng iCare, pinaalalahanan din ni Janine ang publiko na parating i-prioritize ang kalusugan.
“I guess that’s really my message to the public. Really take care of your health and live life to the fullest. Always find the best partner. At the end of the day, it’s really the people around you who can lift you up in times of need.
“Nakita ko sa ibang tao, especially in showbiz, na tuluy-tuloy lang sa work kahit may karamdaman ka.
“Everybody is more health-conscious around, especially after the pandemic. It’s important that we take care of our health,” pahayag ni Janine.
- Latest