Allen, tanggap ang pakikipagrelasyon sa jokla!

Malaking tulong ang isang transman na si Nil Nodalo para maitawid ni Allen Dizon ang role na ginampanan niya sa pelikulang Unconditional.
Ginabayan ni Nil si Allen kung paano ang tamang kilos at pag-arte ng isang transman. “Si Nil, siya ‘yung presidente ng Transman Philippines. Malaki ‘yung contribution niya. Unang-una sa akin, sa role ko. Lahat, paano ‘yung transition niya, kung ano ang ginawa niya sa buhay niya, kung paano siya tinanggap ng asawa niya. Ano ‘yung mga hormones na in-inject niya, lahat. Lahat na ginawa niya sa buhay niya, sinabi niya sa akin.
“Kaya from there, malaking bagay na nakausap ko siya. Ilang beses kami nag-meeting, ilang beses kami nag-usap, para at least, dun sa role ko meron akong idea talaga kung paano ako naging transman. So malaking factor ni Neil sa pelikula dahil na-open niya sa akin, kay direk Adolf (Alix).
“Lahat ng gamot, ipinakita niya ang tahi niya, kung paano siya naoperahan. Wala siyang bahid ng babae ‘pag nakita mo siya. As in mukha talaga siyang lalaki,” saad ni Allen.
Pero dapat maipakita pa rin daw ni Allen na meron din siyang side ng pagkababae, kaya pinag-aaralan din niya ang tamang pagkilos ng isang dating babae.
“Babae pa rin ‘yung character ko, like for example, siyempre ‘yung babae pa rin ang nakikita sa nanay niya,” sabi pa nito.
Bukas na si Allen sa gay relationship – ang pakikipagrelasyon ng tunay na lalaki sa isang bading o ang babae sa tomboy.
At sa isang gay relationship, naniniwala si Allen na posibleng ma-in love ang tunay na lalaki sa isang bading. “Para naman sa akin, parang normal na sigurado ‘yun e. Kahit naman… ‘pag mahal mo ‘yung tao… marami naman diyan.
“Kumbaga, wala naman mawawala sa atin e. Kung totoong mahal mo ‘yung tao, ipapakita mo talaga,” dagdag niyang pahayag.
Kaya tama lang daw na sa panahon ngayon na bukas na ang ganitong relasyon, tama lang na mapanood daw itong Unconditional.
“Siguro napapanahon ‘tong pelikulang ito, dahil it’s pride month. Alam naman natin ngayon, medyo tulog ‘yung mga pelikula natin. Pero sana sa tulong ng mga tao, makabalik ulit. Maka-recover ulit, mabalik ‘yung sigla ng pelikulang Pilipino,” sabi pa ni Allen Dizon.
Kasama niya rito sa Unconditional si Rhian Ramos sa ilalim ng direksyon ni Adolf Alix, Jr. Magso-showing na ito sa June 25.
- Latest