Anak ni Iza, mahusay na sa pictorial

Ang cute naman ng anak nina Iza Calzado at mister nitong si Ben Wintle na si Deia.
Ipinost ni Iza ang photo nila ng daughter at ikinuwento niya ang pagbabalik-tanaw niya nang dumalo sila sa isang event kung saan bitbit niya si Deia.
Habang nagpo-pose raw siya sa harap ng camera, wala raw siyang kaalam-alam na may sariling pagpo-pose rin ang anak sa tabi niya.
Wala raw dudang agaw-eksena talaga ang panganay nila ni Ben.
Sobrang natural nga naman ang anak sa pagharap sa camera.
Makikita nga na hawak nito ang mga jewelry sa likod na talagang inagawan niya ang mommy niya ng moment.
Parang ngayon pa lang ay praktisado na itong mag-endorse ha.
Model in the making na nga ang bagets sey ng followers ng aktres.
Mukhang wala ngang duda na susunod ito sa yapak ng mommy niya sa showbiz dahil namana rin niya ang beauty nito at kapogian ng daddy niya. Hati nga raw ang facial features nito na namana mula sa kanyang parents.
Talagang like mother, like daughter na ang gaganda.
Bongga.
- Latest