^

Pang Movies

Janine at Echo, fake ang engagement

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janine at Echo, fake ang engagement
Janine at Echo

Bagama’t nagluluksa pa rin si Janine Gutierrez dahil sa sunud-sunod na pagpanaw ng tatlong miyembro ng kanyang pamilya, back to work na ang aktres and in a way ay nagiging therapy na rin daw niya ito para maka-move on.

Humarap ang aktres sa entertainment press and other guests sa kanyang media launch kahapon bilang bagong ambassador ng iCare, na isa sa affordable HMOs in the Philippines. Ginanap ang nasabing event sa St. Luke’s Medical City sa Taguig.

“Still recovering,” ang sagot ng aktres nang matanong kung kumusta na siya ngayon.

“Siyempre, malungkot pa rin. Sobrang ano kasi, eh… nagsabay-sabay,” dagdag niya na halatang pinipigilang maiyak, “we lost three family members in three weeks.”

Matatandaang ang paternal grandmother ni Janine na si Pilita Corrales ay pumanaw noong April 12, 2025 and four days after ay sumakabilang-buhay naman ang maternal grandmom niya na si Nora Aunor in April 16. Noong May 1 naman ay yumao ang kanyang uncle na si Ricky Davao.

Ang kanyang pamilya raw ang pinaghugutan niya ng lakas ng mga sandaling iyon at dito niya napatunayan kung gaano kahalaga ang suporta ng pamilya sa ganitong pagkakataon.

“There are good days and there are bad days, but it’s also a testament to how important family is. Kasi talagang naramdaman namin ‘yung support ng isa’t isa,” she said.

Aminado siyang medyo kabado siya habang papunta sa St. Luke’s dahil dito na-confine sa ICU ang kanyang Tito Ricky.

“So, parang medyo fresh pa. But I guess it’s also, part of my message din na you know, you’ll never really know what’s gonna happen and no matter how prepared you think you are, it’s so important to have people to rely on na masasandalan mo,” aniya.

Dahil na rin sa naranasang magkakasunod na pagkawala ng mga mahal niya sa buhay, payo ni Janine na ingatan ang ating kalusugan at ine-encourage rin niya ang lahat na mag-invest sa isang healthcare plan dahil malaking tulong ito sa oras ng pagkakasakit.

Samantala, isa sa pasabog ng iCare para kay Janine bilang kanilang ambassador ay ang ginanap na paraw sailing sa Boracay noong Araw ng Kagitingan last April 9.

 Ang nakakatuwa, akala ng mga tao ay engagement ni Janine at ng kanyang boyfriend na si Jericho Rosales ang nasabing event dahil nakalagay sa paraws ang katagang “Janine Gutierrez Said Yes.”

Sey ni Janine ay nakyutan naman daw siya sa concept at pati nga raw si Echo ay naaliw rin.

Samantala, present din sa naturang launch ang iCare President and CEO na si Mr. Geronimo Francisco ganundin ang iCare Chief Operating Officer na si Dr. Mark F. Malanay.

Ayon kay Mr. Francisco, choosing Janine as the new brand ambassador aligns with the company’s “hope, dignity and courage to say yes to better health. She is a voice of purpose and we are honored to have her amplify our message.”

JANINE GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with