Junior actor, hype lang ang kasikatan
Produkto talaga ng hype ang isang junior actor na ginawa na ang lahat para sa career, pero hindi na ito super angat at madalas na lang na offbeat ang roles na ginagawa!
Nagbida na rin ang junior actor. Sad to say, hindi kumita ang movies niya. Pero kinukuha pa rin siya sa projects, huh!
Hindi naman kasi magaling na magaling umarte ang junior actor. Maingay lang ang project niya kapag present siya.
Pero hanggang doon na lang. Kaya naman neither here nor there ang aktor! ‘Pag may project, present siya pero kapag wala, hindi naaalala!
May iba pang artista na kagaya niya. Malakas ang hype o publicity na ginastusan.
Sabi nga ng marami sa showbiz, ginawa na ng aktor ang lahat para sa kanyang career, pero wala pa rin siyang dating! He’s just one of those, huh!
Raheel, nilaglag ni Kokoy!
Nilaglag ni Kokoy de Santos si Raheel Bhyria nang mag-guest silang mga Batang Riles sa Fast Talk with Boy Abunda.
Nang tanungin kasi ni Boy si Raheel, kung nanliligaw siya kay Jillian Ward, sinabi niyang pinakikisamahan niya ang young actress dahil sa naging magandang treatment sa kanya nung maging bahagi siya ng Jillian series na Abot-Kamay na Pangarap.
Pero sumabad si Kokoy at sinabing mula nang maging guest si Jillian sa Batang Riles, nabawasan na raw sila ng kasama bilang Batang Riles!
Todo-ngiti lang si Raheel na namumula ang pisngi, huh!
Aba, giliw na giliw kaya si Jillian kay Raheel dahil sa mapupula nitong pisngi!
- Latest