Daniel, napagkamalan na namang si Jake Zyrus!

Ang bongga ni Daniel Padilla na nag-trending sa kanyang bagong hairstyle na naka-clean cut na buzz cut daw ang tawag.
Mas gumuwapo na raw ngayon ang ex ni Kathryn Bernardo sa bago niyang gupit nang pumunta siya sa isang event nang mag-cover ito sa isang magazine.
Parang mas bumata nga raw ito at fresh tingnan lalo na ngayong 30 na ito.
In fairness nga kay Daniel ay hindi siya takot na magbago ng hairstyle kung para naman iyon sa trabaho niya kagaya na lamang sa kasalukuyan niyang proyekto na Incognito na iba rin ang buhok niya roon.
May iba kasing actor na hindi talaga sumusubok ng bagong look at pare-pareho lang ang hitsura sa lahat ng proyekto na hindi gaya ni Daniel na professional talaga.
Pero hindi nga mawawala ang mga basher na kinumpara siya kay Jake Zyrus.
Napagkamalan daw nila itong si Jake sa biglang tingin dahil ang laki raw talaga ng hawig dahil sa haircut din nito.
Biro pa nila ay akala nila ay nasa Star Magic na si Jake.
‘Kaloka.
Hahahaha.
Bongga.
- Latest