Maine at Miles, pinaghihiwalay muna sa EB!

Ikalawang araw nang magkahiwalay ng lokasyon sina Maine Mendoza at Miles Ocampo sa live episode ng Eat Bulaga kahapon.
Nasa TV5 studio si Maine habang si Miles eh nasa Tondo, Manila para sa Sugod Bahay segment.
Eh wala namang masyadong interaction ang dalawa kaya naging normal lang ang sitwasyon nila.
Incidentally, kahapon pala ang anniversary nung nag-audition sa Eat Bulaga si Maine. Naging Yaya Dub siya sa Kalye Serye ng Eat Bulaga na isang history na sa telebisyon!
Kung anuman ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Maine at Miles, sigurado namang mayroong mamamagitan sa kanila upang muling bumalik ang magandang pagkakaibigan!
Teatro, mas malakas
Buhay na buhay ang stage production ngayon.
Eh bukod sa stage plays, may musical plays ding pinaghahandaan at mapapanood.
Unang nag-announce ang Viva Live ng adaptation ng ‘80s movie na Bagets at next year ito mapapanood.
Ang isa pang coming stage musical ay ang Jeproks mula sa kanta ng rock legend na si Mike Hanopol na pumayag isagawa ito.
Sana, kung tinatangkilik ang napapanood sa stage, gayundin sana ang ating local movies na hindi pa rin masyadong dinadagsa ng cinemagoers, huh!
- Latest