Goma, inumpisahan na ang comeback movie

Balik-pelikula si Richard Gomez sa SalvageLand sa direction ni Lino Cayetano at co-produced ng Rein Entertainment at Viva Entertainment.
Kasama niya sa pelikula si Elijah Canlas. Walang ibang cast na nabanggit at sa behind-the-scenes photos, sina Goma at Elijah lang ang makikita.
Sa mga comment, marami ang nagpahayag ng excitement sa movie na first time magkakatrabaho sina Direk Lino at Goma.
First time ring magkasama sa movie sina Goma at Elijah.
Marami rin ang excited na magdidirek uli si Lino na napahinga rin dahil nag-focus muna sa pulitika.
Miguel, magde-Deliver muna ng leche flan
Nakakatuwa ang bashers ni Miguel Tanfelix, finale na nga ng Mga Batang Riles this Friday, ayaw pa ring tantanan ang aktor. Tinatanong pa rin kung bakit isa si Miguel sa cast at siya pa ang pinakabida.
Pati ang pagpapareha nina Miguel at Zephanie, kinuwestiyon din. Naging pabebe raw ang Kapuso aktor nang ipareha sa singer-actress at umalma rin sa music video ni Zephanie na si Miguel ang kasama. Hindi raw ba alam ni Zephanie na girlfriend ni Miguel si Ysabel Ortega?
Anyway, habang naghihintay ng next project, tutulong muna siguro si Miguel sa mom niyang si Mommy Grace sa pagbebenta sa gawa nitong special leche flan.
Si Miguel minsan ang nagde-deliver ng mga order na ikinatutuwa ng customers ng mom niya na ang biruan ay mas sikat sa kanya ngayon dahil sa expression nitong “Okay na ‘to” na marami ang gumaya.
Shuvee, bibigyan na ng sariling serye
May pa-welcome ang Unang Hirit kay Shuvee Etrata this Friday, balik na siya bilang host ng morning show ng GMA 7.
Biglang sikat si Shuvee sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na kasabay na na-evict ni Klarisse de Guzman sa PBB at may mga project na raw siyang gagawin at ibi-build up siya ng Sparkle at GMA.
May balitang magbibida siya sa isang afternoon soap, may gagawin din siyang pelikula at may mga offer na endorsement.
Matutupad pa rin daw ang dream nitong magkaroon ng stable career para matulungan ang family niya sa Cebu.
Una sa goal niya ang makabili ng bahay dahil mula noon hanggang ngayon, wala silang sariling bahay. Nakikitira lang daw sila sa bahay ng lola niya, kaya gusto niyang magkaroon sila ng sariling bahay. Walo ang kapatid niya na tinutulungan din niyang pag-aralin.
Mabuti nga at nagkaroon ng trabaho ang ama niya na ang kwento niya sa Bahay ni Kuya, walang drive na gumanda ang buhay. Nang ibalita ng father niya na may trabaho na ito, kita ang laking tuwa ni Shuvee.
- Latest