Piolo, Paulo at Cedrick, nabanggit ang pangalan na susunod na Santo!

Pagkaraan ng mahigit dalawang dekada, muling babalik sa pagdidirek ang writer, director, producer at businessman na si Ben ‘M7’ Yalung sa pagdidirek ng isang religious movie base sa buhay ng susunod na Filipino saint na si Venerable Archbishop Teofilo Camomot ng Carcar, Cebu.
Although nagsimula at nakilala si Direk Ben Yalung nung dekada otsenta sa pagdidirek ng action films tulad ng Sigaw ng Katarungan, Anak ni Zuma, Moises Platon, Partida, Lost Command, among others, nag-switch siya sa pagdidirek ng religious films tulad ng Kristo na pinagbidahan ni Matt Ranillo III, Ama Namin ni Christopher de Leon, Divine Mercy sa Buhay ni Sister Faustina ni Donita Rose at Birhen ng Manaoag ni Jodi Sta. Maria nung 2005 nang maging active member siya ng religious community na Oasis of Love nung 1980s.
Siya rin ang tumatayong chairman ng kanyang itinayong Asia Pacific Film Institute (APFI) kung saan ang kanyang apong si Russel Yalung Oledan ang tumatayong general manager.
Marami-rami na rin ang nagtapos sa APFI na batang filmmakers at screenplay writers na aktibo na ngayon sa paggawa ng short and featured films.
Bukas ngayon ang Cine Suerte, ang film outfit ni Direk Ben Yalong sa audition ng mga batang lalake (8-10 years old) at 20s to 30s at 50s to 60s na gaganap sa papel ni Venerable Archbishop Teofilo Camomot when he was a child, sa kanyang edad nung siya’y nasa loob ng seminaryo, at sa panahong isa na siyang ganap na archbishop.
Lumutang ang mga pangalan nina Piolo Pascual, Paulo Avelino at Cedrick Juan sa gaganap sa papel ni Archbishop Teofilo Camomot.
Ang Venerable ay titulong ibinibigay sa isang yumaong tao na naabot ang certain degree of sanctity pero hindi pa siya fully beatified o canonized.
Nagsimula na ang proseso na siyang magdadala sa kanyang canonization bilang susunod na Filipino saint.
Nung May 21, 2022, the late Pope Francis, pagkatapos ng appropriate procedures had been carried out ay na-elevate si Archbishop Camomot sa status ng Venerable.
Matapos ang iba pang proseso at verified miracles, siya’y nakatakdang ma-canonize bilang Santo at kasunod ng ibang Filipino saints tulad nina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.
Bukod sa buhay ni Venerable Teofilo Camomot, balak din ni Direk Ben Yalung na mag-produce ng Kristo part 2, at maghahanap umano sila ng bagong gaganap sa title role pagkatapos ni Matt Ranillo III sa unang part ng Kristo.
Si Brother Ben or Direk Ben ‘M7’ Yalung ay isa rin sa founders ng ETVN Philippines (Emmanuel Television Network), isang social media broadcast organization na nagpu-provide ng content on the True Faith of Christ.
- Latest