^

Pang Movies

KimPau, tuloy ang ligaya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
KimPau, tuloy ang ligaya!
Kim Chiu at Paulo Avelino

Bago ang mga  karakter na bibigyang-buhay nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa pagbibidahan nilang romance-suspense seryeng The Alibi ng ABS-CBN na malapit nang mapanood.

Inanunsyo ito ng ABS-CBN kahapon sa mala-police report na mga larawan na may mga danak ng dugo tampok din ang new look nina Kim at Paulo.

Makikita si Kim na may maikling buhok, makapal na lipstick, at nakasuot ng sexy na damit, habang “bad boy look” naman ang awra ni Paulo.

Kasama sa mga bumubuo ng The Alibi ang mga direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin, writer na si Danica Domingo, at mula ito sa produksyon ng Dreamscape Entertainment – ang parehong grupo sa likod ng patok na serye ng KimPau na Linlang.

Ang The Alibi ang kasunod na proyekto nina Kim at Paulo pagkatapos ng kanilang matagumpay na mga seryeng Linlang at ang Philippine adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim. Bumida rin sila sa box-office hit movie ng Star Cinema na My Love Will Make You Disappear.

Mag-uumpisa nang mag-lock-in taping ang KimPau.

Aktres, kinabubuwisitan dahil sa usog!

Ayaw na ulit makatrabaho ng ilang production staff ang isang actress na medyo kontrobersiyal.

Hindi nila makalimutan ang ginawa nito nang kunin nilang guest sa isang taping sa Bicol.

Hindi raw kasi ito napakinabangan nang sabihin sa produksyon ng nasabing TV program na nausog siya at sumakit ang tiyan kaya hindi na niya kayang magtrabaho.

Ano naman daw ang laban nila ‘pag sinabing nausog siya?

Kaya naman, ayun ayaw na siyang makatrabaho ng mga staff ng isang network.

At kahit hindi raw nakapagtrabaho ito, paid ang nasabing actress kaya pakiramdam nila, sayang na sayang lahat ang effort at gastos nila sa aktres.

Kaya nababanggit pa lang ang pangalan ng aktres na ito, umiiling na ang mga staff ng isang network.

Zeinab, hindi kayang patawarin ang ina?

More than a week now, pero talk of the town pa rin ang kasalang Ray Parks Jr. and Zeinab Harake.

Super elegant naman kasi at very classy.

Alam mong ginastusan at pinaghandaan.

Pero ‘yun nga, at the end of the day, kahit anong ganda ng kasal nila kung naitsapwera naman ang ina ng bride, walang halaga ang lahat ng ‘yun.

Kahit ano sigurong kasalan nito (ina) sa kanya o kanila, ang ina ay ina at walang pwedeng maging rason para hindi mo ito papasukin sa kasal mo.

Ahh ano nga kayang kasalanan nito?

Barbie, mas gustong tumakbo kesa mag-jowa

Maang-maangan school of acting si Barbie Forteza tungkol kay Jak Roberto nang makipag-chikahan ito sa ilang entertainment media after the presscon of Beauty Empire the other night.

Nang tanungin kung naka-move on na siya sa breakup nila ni Jak?

Sagot nito : “Saan? I am very happy!”

At nang tanungin mo na kung tama ang naging desisyon niya na mag-split sila: “That I’m very happy? Of course! Happiness is always the right choice!”

Eh ba’t ba sila nag-split : “Oh, I’m sorry but I prefer not to talk about it, because… let’s respect the other… But I’m very happy right now! Hahahaha!”

Aminado rin siyang maligaya siya sa kasalukuyan: “My gosh, grabe I have a horror film coming up, ‘yung ‘77’ na ipa­lalabas just a day before my birthday! And now, I have a show, ‘ Beauty Empire’ with Kyline Alcantara and Miss Ruffa Gutierrez. And I also have another movie coming up, ‘Kontrabida Academy’ on Netlix, this July na rin ‘yon.

“Ang daming magagandang nangyayari sa akin. And my birthday is also coming up. Grabe, hindi pa nagbi-birthday, pero ang dami na agad nangyayari,” pagdedetal­ye niya kung ba’t siya maligaya na sa July 31 ang birthday.

Pero sa kasalukuyan daw ay wala pa siyang manliligaw. “Wala talaga! Totoo ‘yon, walang etchos. I am enjoying right now, but I am open to meet people, kasi ang saya kaya. Ang saya kayang maging outgoing ‘di ba? To be more out there, ang sarap tumakbo sa labas!” sabi pa niya.

Anyway, aminado rin Barbie na marami siyang natutunan kay Ruffa Gutierrez na 22 years bago ulit mapanood sa GMA 7.

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with