Maja at Ria, tama ang desisyong ‘wag ipakita ang mukha ng anak!

‘Kaloka naman na dumulog daw ang isang content creator na hindi ko maalala ang pangalan sa NBI dahil sa pag-post sa litrato ng anak niya sa isang maselang website na merong mga pedophile.
May nagpadala raw ng mensahe sa kanyang Instagram na concerned mommy na nabiktima rin ang kanilang mga anak sa pagkakalat ng litrato ng mga ito sa website.
Nagbigay raw ito ng warning sa kanya at ipinakita sa kanya ang mga photo.
Nakuha raw ang litrato ng anak ng influencer sa isang video na pinost niya na kasama pa raw ang pusa niya.
Talamak nga raw kasi ang mga nananamantala sa teknolohiya lalo na at may AI o Artificial Intelligence.
Kaya hindi talaga masisisi ang mga celebrity na gaya nina Maja Salvador at mister na si Rambo Nuñez na wala talagang balak ipakita ang mukha ng daughter nilang si Maria sa publiko.
Ganun din ang mag-asawang sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na ayaw ring i-post ang litrato ng kanilang baby boy na si Sabino.
Huwag nang kulitin ang mga ito sa pagpilit na makita ang mga anak nila dahil napakarami nang mga pedo ang nagkalat.
Kaya mag-ingat at iwasan na talaga ang pag-post ng mga larawan ng mga bata dahil nasa paligid lamang ang mga predator.
‘Kaloka.
- Latest